“Yes, makakauwi na rin ako sa Pilipinas!”
“Makikita ko na siyang muli!”
“Kaso nga lang hindi ako sigurado kung ako pa ba ang laman ng isip at puso niya,” malungkot kong sabi. After 6 years masasabi ni Erin na sobrang daming nagbago sa kaniya.
After 6 years natapos niya ang kaniyang degree na business sa Paris at ngayon may sarili na siyang kumpanya na siya mismo ang nagpatayo.
Di ba ang galing niya? Kaso kahit maganda na ang buhay niya ngayon at wala ng pumipigil sa gusto niya. Hindi pa rin siya masaya…
Paano siya magiging masaya kung hindi pa niya nakikita ang the one niya? Ni hindi nga siya sigurado kung may babalikan pa ba siya sa probinsya na 'yon. Ni hindi niya nga alam kung may girlfriend, asawa o may anak na ba ang lalaking kinababaliwan niya.
Pero heto siya ngayon… Umaasang siya pa rin ang mahal ni Enzo Roswell. Na siya pa rin ang laman ng puso ng lalaking ito.
Pero kahit alam niyang malabo ang nasa isip niya. Pupuntahan pa rin niya ito at aangkinin kahit na may asawa man ito o wala. Dahil ang pagmamay-ari niya ay walang pwedeng umangkin.
Nabalik siya sa wisyo ng bigla siyang sampalin ni Rina. “Lint*k naman Rina! Ang seryoso ko dito sa tabi bigla mo na lang ako sasampalin,” inis na sabi ni Erin sa kaibigan. Pero ang bruha ay hindi man lang nagpatinag at tumawa pa ito ng pagkalakas-lakas.
“Ikaw kasi eh, masyado kang tulala d'yan. Imagine kanina pa ako salita ng salita dito tapos hindi ka pala nakikinig,” inis na sabi nito. Napabusangot si Erin dahil tama naman ang kaibigan, kanina pa ito nagsasalita pero heto siya ngayon. Nag-iisip ng plano kung paano niya makukuha si Enzo. Yes, gusto ni Erin angkinin si Enzo ang lalaking una niyang minahal 6 years ago.
Nangako sila sa isa't- isa. Nangako si Erin kay Enzo na babalikan niya ito. Hindi man naging maayos ang pakikipaghiwalay niya sa binata noong araw na 'yon pero alam niyang maiintindihan siya ng binata.
–Flash back –
18 years old pa lamang si Erin ng makilala niya si Enzo Roswell sa Quezon. Nagbabakasyon sila Erin, kasama ang buo niyang pamilya nang hindi sinasadya ni Erin na sa LOOB NG napakaikling panahon ay mahuhulog kaagad ang loob niya sa binata.
Enzo Roswell is he already 20 years old. Two year's ang tanda nito kay Erin, siguro kaya minahal ni Erin si Enzo dahil bukod sa guwapo ang binatang ito. Si Enzo ang tipo ng lalaki pag- aagawan ng mga kababaihan. Siguro kahit matanda ay magkakagusto sa binata. Dahil nga nagustuhan ni Erin ang binata, nagtapat siya ng feelings dito. Akala ni Erin ay ire-reject siya nito, pero katulad ni Erin ay gusto din siya ng binata.
Syempre hindi na ako nagpakipot pa kaya naging boyfriend ko siya ng walang kahirap-hirap. Ni panliligaw nga e,hindi na niya ginawa dahil ang gusto niya. I mean naming dalawa ay matali na sa isa't isa. Kaya nagdesisyon kaming magpakasal ng patago.
Ng maging mag-asawa kami ng walang kahirap-hirap ay halos magtatalon ako sa sobrang saya.
Pero dahil sa katangahan ko nalaman ni Mommy na may kasintahan ako. Hindi lang kasintahan asawa ko pa.
Nagalit sa akin si Mommy at halos mamaga ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. Nang sabihin ni Mommy na isasama niya ako sa Paris para doon magpatuloy sa pag-aaral ay wala akong nagawa.
Sinunod ko ang utos ni Mommy na makipaghiwalay kay Enzo kahit na mahirap ay nagawa kong harapin si Enzo.
“Enzo, let's break up.” Pigil ang luhang sambit ko habang kaharap si Enzo. Natulos siya sa kinatatayuan niya dahil sa biglang pagsalita ko. Sino ba namang hindi magugulat kung kahapon lang ay nag- aasaran, nagtatawanan at nagsasabing ' I love you' sa isa't isa.
“Are you joking, babe? tanong ni Enzo sa akin. Pero tanging iling lamang ang isinagot ko. Nakita ko ang pagtaas baba ng Adams apple niya.
“Im serious, Enzo. Wala naman kasi akong choice, kundi i- end na itong relationship natin. I'm sorry. I'm sorry if hindi kita kayang ipaglaban kay Mommy,” bigla na lamang bumuhos ang luha ko. Ang hirap mag-decide. Mahal ko na ang lalaking 'to tapos hindi naman pala kami magtatagal.
“Bakit mo ba nasasabi 'yan, babe? May nangyari ba? Please tell me,” pakiusap ni Enzo. Hindi ako umimik at sinakop ko lamang siya ng mahigpit na yakap. Ramdam ko ang palad ni Enzo nasa likuran ko na pilit akong pinapatahan.
“Alam na ni Mommy ang relasyon natin. Isasama niya ako sa Paris bukas. Masakit man sa akin na makipaghiwalay sa'yo pero I need to sacrifice. Binantaan ako ni Mommy na hindi ko na raw makikita si dad forever kapag hindi ako makipag hiwalay sa'yo,” sambit ko. Unti- unti siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tinignan niya ako mula sa mata ng para bang ina-alam kung nagsisinungaling ba ako o hindi.
“Say it again, babe.” Mahinang sambit niya pero ramdam ko pa din na nasasaktan siya. Kita ko ang pagkuyom ng malapad niyang kamay.
“Kailangan kitang hiwalayan. And you need to fill- up this,” saad ko. Inabot ko sa kaniya ang envelope na naglalaman ng annulment paper. Mommy give me this f*cking annulment paper. Ang gusto ni Mommy bago kami pumuntang Paris ay malinis ang kalat ko dito sa Pilipinas.
“Please, h'wag mo munang buksan 'yan. Gusto kitang yakapin. Gusto kitang titigan ng matagal Enzo pero hanggang ngayon ko na lang magagawa iyon.
Hindi siya nagsalita. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita mas magandang hindi na lamang siya magsalita para naman hindi ako lalong masaktan.
“Promise,babalikan kita. Magiging tayo pa ulit. Magsasama pa rin tayo. Pangako ko na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Pero promise me na hindi mo ako kakalimutan. Mangako ka na ako lang ang babaeng mamahalin mo. Na ako lang ang 'baby mo'.
“Mangako ka na hanggang sa magbalik ako sa'yo hindi mawawala nag pagmamahal mo sa akin. Kasi sinusumpa ko na ikaw lang ang lalaki ko at ako lang ang babae mo. ”
“ Hindi ko man alam kung kailan ulit tayo magkikita pero pagdating ng araw ako mismo ang lalapit sa'yo. Dahil ganoon kita ka mahal.”
End of flashback
Naputol ang pagbabalik-tanaw ko ng muling magsalita itong kaibigan ko. Kahit kailan talaga itong bruha na 'to laging panira.
“Ang ingay mo sobra,” gigil kong saad.
“Kung maingay ako ikaw naman sobrang tahimik mo! Sa sobrang tahimik mo hindi mo at pagiging buang mo hindi mo namalayang tanghali na at kailangan na nating pumuntang airport!” Singhal nito sa akin, hindi ako nagsalita dahil nabigla ako. Ganoon na pala katagal ang pagbabalik- tanaw ko at inabot pa kami ng tanghali.
“Sorry na. Excited lang naman ako na makauwing Pinas,” saad ko. .
“Tapos?” saad ni Rina.
“Syempre excited na rin akong makita ang babe ko.” Dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng mahinang batok mula sa brutal kong kaibigan.
“Bruha! 6 years na Erin. Hindi ka pa rin nakaka-move-on sa lalaking 'yon. I mean sa ex-husband mo,” sabi nito. Inirapan ko naman ito dahil masyadong mapanira ng araw ito.
“Masama bang umasa? Kasalanan ko bang magmahal? Wala naman masama kung puntahan ko siya sa province nila. Malay mo hinihintay niya pala ako,” proud kong sabi. Napangiwi naman si Rina dahil sa sinabi ko.
“Tsk… Doon na tayo sa mahal mo siya. Na kesyo sinabi mong babalikan mo siya. Pero remember best, 6 year's na ang nakalilipas. At malabong tumupad ang lalaking 'yon sa napag-usapan niyo. Paano kung may girlfriend na pala 'yon? Paano kung mas higit pa doon? Naku, best! Payong kaibigan lang ha? Sa sobrang ganda mo bakit hindi mo subukang magmahal ng ibang lalaki?” mahabang litanya ni Rina. Malalim akong napabuntong hininga.
“Thank you sa advice mo ha? Pero buo na kasi ang desisyon ko best. Wala naman masama kung susubukan ko. Syempre dahil nga may promise ako sa kaniya kailangan ko 'yon tuparin. Kahit may girlfriend,asawa man 'yon o wala. Basta tuloy pa din ang plano ko. Tawagin man nila akong desperada, kabit o kahit ano pa. Basta makuha ko lang ulit ang loob niya,” determinado kong sabi.
Namaywang si Rina sa harap. “Paano kung patay na pala 'yon? Ano susunod ka sa hukay ng 'babe' mo?” asar niyang tanong. Umirap lamang ako bago inatupag ang maleta ko.
Since magbabakasyon ako sa Pinas ng Four months ay mahaba- habang panahon na rin 'yon para mapasa- akin muli si Enzo. Ang pinanghahawakan ko lang ngayon ay ang address ng resort nila sa Quezon at ang mukha niyang napakagwapo.
Sinigurado ko muna na walang aberya sa kumpanya ko bago ako nag-file ng leave for four months. Syempre bilang CEO ng kumpanya na pagmamay-ari ko ay kailangan ko munang i- fix ang lahat bago magbakasyon. Since I have a trusted secretary na pwede na ngang maging CEO ng kumpanya ko. Pero kapag successful ang plano ko sa Pinas ay gagawin kong CEO ang secretary ko.
Syempre gusto kong gawin ang lahat ng best ko para lang matupad ang pangako ko sa kaniya.
Kung kinakailangang akitin ko siya ay gagawin ko.