Prologue
“Mom,I love Enzo!” Mangiyak-ngiyak na sambit ng dalaga habang nagmamakaawa sa kaniyang ina na huwag siyang ilayo sa binata.
She love Enzo. Ngunit ang kaniyang ina ay hindi gusto ang binatang 'yon para sa kaniya. Nasa probinsya ang buong pamilya ng dalaga upang magbakasyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nagtagpo ang landas nila ni Enzo ang anak ng may-ari ng resort sa Quezon City.
“Erin Buentura! I don't like Enzo for you, sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin sa Paris!” Nang gagalaiting saad ng mommy ni EriN.
“Pero mom?”
"My gosh, Erin. Bakit ba ayaw mong sumama sa akin? Two months pa lang tayo dito sa province at malalaman kong may boyfriend ka na? I'm so very disappointed!” saad ng kaniyang ina.
“Enzo is not my boyfriend,” bulong ng dalaga ngunit sapat lang 'yon para magpantig ang tainga ng kanyang ina.
“Hindi mo pala siya boyfriend bakit sinasabi mong mahal mo ang binatang 'yon?” tanong muli ng ina sa kaniya. Kinakabahang napayuko si Erin dahil sa takot na nararamdaman niya.
“H-hes my h-husband, mom.” sambit ni Erin. Dahil sa kaniyang sinabi ay nakatanggap siya ng malakas na sampal galing sa kaniyang ina. Natumba si Erin dahil sa lakas ng pagkakasampal na halos mamanhid ang kaniyang kaliwang pisngi dahil sa sampal ng kaniyang ina.
“Are you out of your mind,Erin? Pinag-aaral kita para naman maging matalino ka pero ano na ngayon? Nakita mo lang na gwapo ang binatang 'yon nagpakasal ka na kaagad,” halos lumabas ang ugat sa leeg ng kaniyang ina dahil sobrang galit sa kaniya.
Honestly hindi alam ni Erin kung bakit ganito na lamang ang galit ng kaniyang ina nang malaman na may karelasyon na siya. Kabisado ni Erin ang ugali ng ina at alam niya na may matinding problema ito na hindi niya alam kung ano iyon. Hindi inaasahang ni Erin na mahuhuli silang dalawa ni Enzo ng magkasama sa iisang silid.
Pero two months pa lang talaga sila dito, at sinong magulang ang hindi magagalit kung malalaman nila na may asawa na ang kaisa-isa nilang anak?
Sino ba naman ang hindi mag-iisip ng masama kung makita mo ang dalawang tao sa iisang silid?
“Im sorry, mom. Nagmahal lang naman ako! I'm sorry kung hindi ko sinabi sa'yo. I'm sorry kung nilihim ko pero takot lang naman ako na baka ilayo mo ako sa kaniya,” umiiyak na saad ni Erin. Pero imbis na humilom ang galit ng kanyang ina ay muli siya nitong sinampal.
“ Ano ang magagawa ng sorry mo Erin? You lied to me! Alam mo naman na ang taas ng pangarap ko sa 'yo tapos ano? Sisirain mo lang? I've decided now Erin,” sambit ng kaniyang ina.
“Mom! Hindi ako sasama sa'yo sa Paris. Dito lang ako,” pagmamatigas ni Erin.
“Im your mother, Erin. At kapag sumuway ka pa sa 'kin hindi muna makikita ang dad mo kailan man! At makikipaghiwalay ka san binatang 'yon sa ayaw at sa gusto mo,” final na sabi ni Livia sa kaniya.
Hindi ma-proseso sa utak ng dalaga ang mga katagang sinabi ng kanyang ina. Gulong- gulo siya sa mga oras na ito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya nakikita ang daddy niya kung sumuway siya sa utos ng mommy niya.
Ang masakit pa para sa kaniya ay ang makipaghiwalay sa lalaking una niyang minahal.
She need to sacrifice kung ipagpapatuloy pa ba ang relasyon nilang dalawa ng binata o mas pipiliin niya ba ang kaniyang pamilya.