bc

Sapphire

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
powerful
independent
tragedy
twisted
mystery
female lead
virgin
like
intro-logo
Blurb

Isa siya sa pinaka mayamang babae sa buong bansa...

Nakatago ang tunay na pagkatao dahil sa nakaraan...

Dumaan ang sampung taon at natupad niya ang mga pangarap niya.

Isa na lang ang nais niyang mangyari ang mahanap ang pumatay sa kanyang magulang.

Sa hindi inaasahang pagkakataon matatagpuan niya ang sarili sa sitwasyong hindi niya kailan man pinangarap.

chap-preview
Free preview
ONE
JADE At the age of twenty one sinikap kong maabot ang lahat ng pangarap ko, ang yumaman at kilalanin bilang isang pinaka successful na babae sa loob at labas ng bansa. Ginawa ko ang lahat mapunta lang sa posisyong ito nang hindi nakikilala at nakikita ng publiko sa kadahilanang nais kong mahanap ang taong pumatay sa aking magulang. Labing isang taong gulang ako noong patayin ang aking mga magulang sa loob ng aming bahay. Nang araw na iyon ay pinilit akong pina-akyat ni papa sa itaas ng kisame na sadyang ginawa para pagtaguan sa oras ng panganib. Hindi pa man nakaka sunod ang mga magulang ko ay nakarinig na kami ng pwersahang pagpasok sa loob ng aking kwarto kung saan naroon ang taguang ipinagawa. Nakita ko ang buong pangyayari. Bago pa man makapasok ng tuluyan sa aking silid ay agad na isinara ni papa ang lagusan ng pinto noon. Bubuksan sana niya iyon ng makita kong umiling si papa na tila sinasabing huwag akongg gagawa ng ano mang ingay. Tinutukan ng matataas na kalibre ng baril ang aking mga magulang. Ilang sandali pa ay may narinig akong nagsalita,isang ma awtoridad na boses na galing sa isang lalake na marahil siya ang lider ng grupo. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil nakatalikod sila sa akin at nakaharap naman sa mga magulang ko. Nakita ko lang ang mga tattoo nila sa likod ng tenga na pare parehas tila isang kidlat na may hiwa sa gitna at ang pinaka lider ay malaki ang tattoo sa batok na isang pusang itim na pula ang isang mata. "Hindi ba't binalaan na kita na huwag kang magpapa huli sa akin ng buhay. Ito ang napapala ng mga taong gustong kumalaban sa akin at sa grupo ko" saad nitong may pag mamayabang ang boses. "Trabaho ko ang hulihin ang mga taong katulad mo na salot sa lipunan. Pati mga batang walang muwang dinadamay nyo sa mga kawalang hiyaan nyo" matapang na sagot ng aking papa saka mahigpit na niyakap si mama. Bigla ay pinalo sa ulo ng baril si papa ng lalakeng kausap nito agad itong napasubsob sa sahig, nilapitan naman agad ni mama ito at saka hinawakan sa ulo si papa. "Nasaan ang anak ng mga ito ? Bakit wala dito?" galit na tanong nito sa isa sa kanyang mga tauhan na naka tayo sa gilid niya. "Boss hinanap na namin sa buong bahay wala dito baka nasa school pa at hindi pa nakakabalik. Pinapunta ko na ang ibang tauhan doon para mahanap siya" sagot naman sa kanya nito. " Wag mong idamay ang anak namin dito Miguel maawa kayo sa kanya" nagmamakaawang boses ni mama. "Hindi ikaw ang magsasabi ng dapat kong gawin Louise" saway nito kay mama. "Huwag mong gawin ito Miguel, magbagong buhay ka na may pagkakataon ka pa" saad naman ni papa. " Maayos ang buhay ko noon Alfonso, pero anong ginawa mo " galit na sagot nito kay papa. " Matagal ng nangyari ang lahat may kanya kanya na tayong pamilya" saad muli ni papa saka hinapit palapit si mama para mayakap. " Oo naman, matagal ng nangyari ang lahat kaya nakalimutan ko na ang tungkol dun " saad ng lalake na Miguel ang pangalan. Tumalikod ito saka kinasa ang baril at mabilis na pinagbabar*l ang mga magulang ko. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang sariling gumawa ng kahit na anong ingay at sa takot ko din na marinig nila ako. Kitang kita ko ang pagbagsak ng katwan nila sa sahig, agad niyakap ni papa si mama kaya halos siya ang sumalo ng lahat ng bala. Kahit na nakahiga na sila ay sige pa din si Miguel hangang sa maubusan ng bala ay saka tumigil. Walang sabi sabi ay tumalikod ito at nagsisunuran naman ang kanyang mga tauhan sa kanya. Nakarinig pa ako ng sunod sunod na putok sa labas ng kwarto at pagkabasag ng mga kung ano ano. Walang tigil ako sa pag iyak habang naka titig sa mga magulang ko. Narinig ko ang sunod sunod na pag alis ng mga sasakyan at ng masiguro kong wala na sila ay dahan dahan akong bumaba. Lumapit ako sa aking mga magulang bahagya ko pang nakitang gumalaw si mama kaya dali dali at marahan kong inalis si papa na nakadagan sa kaniya. " Mama " mahina kong tawag . " Umalis ka na Jade baka makita ka pa nila dito" nanghihinang sabi ni mama. Umiling iling lang ako sa kanya,inisip kong kahit ikamatay ko na lang din basta hindi ko sila iiwan. Nakarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa aming kusina at unti unti ay naka amoy ako ng usok . "Jade anak hayaan mo na kami dito,paki usap umalis ka na iligtas mo ang sarili mo " lumuluhang sabi ni mama. Naramdaman ko na ang paginit ng buong paligid at alam kong nasusunog na ang buong bahay namin. Panay na ang pag ubo ko dahil sa kapal na nang usok sa paligid. Nakapikit na si mama nang muli ko siyang tignan, lumuha ako at unti unting nanlabo ang mga mata. Bago ako mawalan ng malay ay nakarinig ako ng mga boses, bumukas ang pinto at nakita kong may pumasok dahil sa kapal na nag usok ay hindi ko nakita ang mukha nito. Narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ni papa at mama. Naramadaman kong bigla akong umangat at saka nawalan ng malay. *** Pawisan akong nagdilat ng mata... napanaginipan ko na naman ang tagpong iyon. Tinuyo ko ang mga luhang kumawala sa akin kahit na natutulog ako. Isang masamang panaginip na kahit kailan ay hindi ko malilimutan. Ikinuyom ko ang aking mga kamay saka pinagtagis ang aking mga ngipin . Nang mahimasmasan ay bumangon na ako, alas kwatro pa lang ng umaga pero pinili ko ng bumangon dahil alam ko naman hindi na ako makakatulog muli. Nagtungo ako sa opisina ko sa loob ng aking mansyon at saka binuhay ang laptop. Binuksan ko ang secret file na naka save sa aking computer. Bumungad sa akin ang mga mukha ng mga taong inisa isa kong hanapin. Naubos ko na silang lahat ngunit ang pinaka lider ay hindi ko mahanap , si Miguel ang taong pumatay sa aking mga magulang. Huminga ako ng malalim saka inisa isa ang mga bagong files na pinadala sa akin ng aking trusted man na si Mico. Bingo...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
557.0K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
786.5K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook