Chapter 9

1654 Words
Naikwento na lahat ni ate Ana kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay at sinugod naman ako agad ni Sebastian sa hospital. Pagkatapos ng isang araw na pananatili doon ay inuwe din ako agad ni Sebastian para dito na lang daw niya ko bantayan. Nag aalala din pala sa akin si Sebastian, akala ko wala ng pagbabago sa ugali niya ngunit heto siya ngayon, siya pa ang nagbantay sa akin mag damag kaya pala naabutan ko siyang natutulog sa sofa pag kagising ko. May ngiti sa labi ko habang iniisip ko ang mga bagay na ginawa niya sa akin. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko subalit hindi ko pa alam kung hanggang saan patutungo ang ganitong nararamdaman ko para sa kaniya. ............... Kinabukasan habang naghahanda ako sa pagpasok sa eskwelahan, nasa may labas na ko ng mansion at inaayos ang gamit ngunit hindi ko inaasahang may humintong sasakyan sa may harapan ko kaya napatingin na lang ako dito. Bago ito sa paningin ko hindi ko kilala kung sino ang sakay nito sa loob. Sa pagbaba ng bintana ng sasakyan ay laking gulat ko na lang na si Sebastian ang driver nito. "Hop in!" mahinahon niyang sabi. Ngunit tulala lang ako pagkarinig ko yun sa kaniya. "A-Ako ba ang kausap mo?" Turo ko sa sarili ko. Palinga linga ako sa may paligid ko ngunit walang tao. "Yeah, sakay ka na. Iisang way lang naman ang pinapasukan natin," banayad niyang sabi. Ngumiti ako ng tipid tila may kakaiba na ngayon sa pag uugali niya. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan saka sumakay at sinarado agad ang pinto. Nakakapagtaka naman ang araw na ito, parang ang wierd lang. Si Sebastian naging mabait na pero bakit? Tanong ng isip ko. Akala ko ba galit siya sa akin dahil ikakasal ako sa kaniya. Hindi kaya nagbabait baitan lang ito sa akin para hindi ako umalis sa poder niya. Isang buwan na lang at kaarawan ko na. Sa isang taon pa ako ikakasal sa kaniya. Kaya isang taon pang magtitiis si Sebastian sa akin. Alam kong sukang suka siya sa akin noon pa man dahil ayaw na niya ako simula pa noon. Nagkukunwari lang itong mabait sa akin dahil may kailangan ito sa akin. Kahit takbuhan ko man siya ay wala akong interes sa kayamanan nila kahit mapunta pa sa akin lahat. "Are you okay Marina? May masakit ba sa ulo mo?" "Wala po sir," sagot ko agad na hindi nakatingin sa kan'ya. Nagugulat lang talaga ako sa mga nangyayari ngayon. "Dont call me sir kapag tayong dalawa lang ang magkasama, Sebastian na lang," turo nito. Tumango na lang ako dahil hindi pa ako sanay na makipag usap sa kaniya kapag kaharap siya. Nasa may entrance na kami ng eskwelahan at gusto ko sanang bumaba na lang sa labas ng gate ngunit hindi ako pinahintulutang bumaba sa magara niyang sasakyan at tuloy tuloy lang ito sa pagpasok sa loob at pinark niya na ito para sa mga exclusive lang. Bababa na sa na ako ng bumukas ang pintuan ng kaniyang sasakyan. Nahiya pa ko sa kan'ya kapag ganito ang pinapakitang kabaitan niya sa akin. Bumaba na ko at nagpasalamat sa kan'ya at isinarado agad ang pinto ng sasakyan. "Lets go Marina at malelate na tayo." Nauna na itong maglakad halos hindi ko na siya maabutan dahil sa bilis nitong maglakad at napakalayo na ng agwat sa pagitan namin. Binilisan ko na lang maglakad para hindi ako mapagalitan. Saktong pagpasok ko naman sa room ay time na para sa oras ng unang klase namin. Pero bakit hindi si sir Sebastian ang teacher namin at bakit nandito si kuya Nathan? Habang nagsasalita siya sa harapan ng klase ay tumingin ako kay Lexie na parang gusto ko siyang tanungin pero bigla na lang binanggit ang pangalan ko ni kuya Nathan. Napatingin na lang ako sa kaniya dahil may tinatanong siya sa akin pero hindi ko alam ang isasagot kaya tinawanan ako ng mga kaklase ko. Sinimangutan ko na lang siya. "Marina, dapat sa akin ka lang nakatingin at dapat nakikinig ka din sa akin dahil simula ngayon ako na ang magiging Professor niyo for this whole year pero iba ang ginagawa mo." "Sorry po sir," paumanhin kong sabi. Bakit hindi na si sir Sebastian ang Prof namin? Hindi kaya naging busy na ito sa kanilang mga negosyo dahil sa mga naiwan ng kaniyang mga mahal sa buhay. Pagkatapos ng maghapong klase namin at uwian na, sabay na kaming lumabas ni Lexie. "Ang tahimik mo Marina, dahil ba kay kuya yan? Ako nga din nagulat ng makita ko siyang nasa harapan ng klase natin. Kung alam ko lang sana tinext ko na sayo." "Wala lang yun Lexie, may iniisip lang ako." "Anong iniisip mo? Kung iniisip mo kung paano ka pa papayat don't worry, may improvement naman na diyan sa katawan mo. Halos maluwag na nga tignan yang uniporme mo eh. "Hindi yun ang iniisip ko. Si sir Seb, kasi naninibago ako sa kaniya ngayon." "Naku namiss mo lang siya kasi hindi na siya yung Prof natin." "Hay naku, hindi nga yun ano ka ba. Halos araw araw na nga kami nagkikita sa bahay mamimiss ko pa siya." "Eh ano nga meron kay Sebastian at bakit ka naninibago? May nangyari na ba sa inyo?" Napatakip na lang siya sa sarili niyang bibig pagkasabi niya yun. "Sira, kung anu ano na lang pinagsasabi mo diyan at baka may makarinig pa sayo at maniwala pa sa maling tsismis mo." "Grabe ka naman, ano ba kasi yun at bakit ayaw mong sabihin sa akin." "Hindi mo na dapat kailangang malaman pa," pag gigiit ko. "Okay, kung confidential man yan hindi na kita pipilitin pang tanungin. Nakarating na kami sa labas ng gate at inaantay na lang ang sundo ni Lexie. Ayaw niya kasing sumabay sa kuya niyang si Nathan dahil makulit daw ito kapag sila magkasama. Makalipas ang ilang minuto, may humintong sasakyan ngunit hindi iyon ang sundo ni Lexie kundi ang kuya Nathan niya. Lumabas na siya sa kaniyang sasakyan at nakapamalit na ito ng damit, hindi na yung suot niya kaninang umaga. Napaka fresh na niya ngayong tignan habang ako ay nanglalagkit na sa pawis. "Dito na kayo sumakay Lexie, Marina. Wala yung magsusundo sayo." "Asan ba si kuya Edgar kuya bakit ikaw na ba ang driver ko ngayon?" inis na turan ni Lexie. "Naglayas!" tipid niyang sagot. Kumunot na lang ang noo ko dahil sa pagbibiro niya. May isa pang magarang sasakyan ang tumigil sa may likurang bahagi ng sasakyan ni kuya Nathan at bumusina ito. Tama nga ang hinala ko at si Sebastian nga ang nagmamay ari nito. Bumaba na ito at ang seryoso ng mukha nito ng makalapit na ito sa akin. Tahimik lang ang dalawang kasama ko na sina Lexie at kuya Nathan. "Sa akin na siya sasakay Nathan. Lets go Marina!" ang seryosong sabi niya at tumalikod na ito pagkasabi niyang 'yon. Nagpaalam muna ako kina Lexie at kuya Nathan bago ako sumunod sa kan'ya. Pinaandar niya na ito nang makasakay na ko saka pinasibad ng mabilis ang sasakyan. Hindi ko alam kung naiinis ba siya. Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan dahil walang gustong magsalita. Pero maya't maya ay nagsalita din ito. "Is he courting you?" tanong niyang panimula. Tinignan ko siya at tumingin din siya sa akin kaya umiwas ako sa malagkit niyang pagtitig sa akin. "Kaibigan ko lang po siya," hiya kong sabi. "Until now?" "Oo, dahil kaibigan ko din ang kapatid niyang si Lexie." "Ano naman ang ginagawa niyong dalawa tuwing saturday and sunday?" Tanong nito na parang bf ko. Bakit kailangan naman niya akong tanungin sa bagay na iyon. Sino ba siya para magtanong hindi ko naman siya bf ah. Sasabihin ko ba sa kaniya na nag ggym ako. Naku huwag na baka sabihin lang niya akong ambisyosa na gustong magpapayat. "Ano kasi, every saturday and sunday may kainan doon kaya yun lagi akong present kapag pagkain ang pinag uusapan," pagsisinungaling kong sabi. "Bakit wala na bang makain sa mansion at nakikikain ka sa ibang bahay? Tsk! I cant believe this Marina." Nahiya naman ako sa sinabi niya, baka sabihin nitong ang baboy kong kumakain dahil nakikikain pa ako sa ibang bahay. Mali ata ang sagot ko. Ibang way ang dinaanan namin kaya nagtanong ako sa kaniya dahil hindi ko matiis ang hindi magtanong. "Saan tayo pupunta Seb?" Tumingin ito sa akin at nagtanong din. "What did you say?" Kunwaring hindi niya naring. "Sabi ko saan tayo pupunta?" Pag uulit kong tanong. "No, not that. Yung huling sinabi mo?" "Sabi ko Seb," iyon lang naman yung huling salita na sinabi ko. "Oh, I like that you call me that name." Parang nag ningning ang dalawa kong mga mata. "Talaga Seb?" mangha kong sabi. Nakatawa ako ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kan'ya. "Yeah, and from now on Seb na lang ang itawag mo sa akin," pag sang-ayon niya. Natuwa na lang ako dahil first time kong makita ang pag ngiti niya. Nagbago na talaga ito simula noong may nangyari sa akin. Sana magtuloy tuloy ang ganitong pakikitungo niya. Huminto ang sasakyan sa tapat ng restaurant. Bumaba na siya at pinagbukas niya din ako ng pintuan ng sasakyan. "Anong gagawin natin dito?" "Kakain tayo, baka sabihin mo kay Nathan na hindi kita pinapakain." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nag dadiet kaya ako, huwag mo na ako patabain please lang Seb, sa loob loob ko. Pagkapasok namin sa loob ay may ilang mga taong kumakain ang narito. Lahat ng staff rito sa restaurant ay kilala siya at todo din ang pacute nila kay Seb. Nakaupo lang kaming dalawa na may lumapit agad na dalawang waiter na may dala ng mga maraming pagkain na nakalagay sa may tray. Kararating lang namin agad at may nakaready ng mga pagkain. Ilang araw kayang hindi kumain si Seb at sobrang dami ng kaniyang inorder, kaya ba naming ubusin lahat ng ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD