Simula ng malaman naming dalawa ni Sebastian ang huling habilin nila lolo at lola parang mas lalo lang itong naging galit sa akin halos araw araw na niya akong inaaway dito sa loob ng mansion minsan pinapahiya niya na din ako sa eskwelahan. Ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayong sa umpisa pa lang ay parang gusto ko ng sumuko at umalis na lang pero hindi iyon hahayaan ni Sebastian na aalis ako hanggat hindi pa ko naikakasal sa kaniya na hanggat hindi pa nakapangalan sa kaniya ang mga ari arian ng mga Monteclaro clan.
"Hey wake up." Boses iyon na galit na si Sebastian.
"B-Bakit?" pautal kong tanong sa kaniya.
Biglang kumunot ang kaniyang noo pagkatanong ko sa kaniya habang nakaupo sa kama dahil kababangon ko lang at nakatakip pa lang ang kumot hanggang beywang ko.
Bigla na lang niya ako hinila hanggang sa napasubsob na lang ako sa sahig kaya napahawak na lang ako sa nananakit kong katawan.
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya habang ang mata nito ay nanlilisik sa galit. Lumapit ulit ito at kinuha ang upuang kahoy. May balak pa ata akong hampasin. Kaya hinarang ko ang kamay ko kung sakaling hampasin man niya ako ay nakahanda na ko sa pagsugod niya.
Nanginginig na ang buo kong katawan sa takot. "Please Sebastian huwag mong gawin sa akin ito," pagmamakaawa ko. "Ano ba ang dapat kong gawin para maging maayos lang tayong dalawa," sambit ko habang umiiyak ako at nagmamakaawa.
Hindi siya kumibo bagkus ay tatamaan na sana ako ng upuan ng bigla na lang akong napasigaw at napabalikwas ng bangon. Puno ng pawis ang buong katawan ko at hinihingal sa kaba dahil sa matinding takot.
Napahilamos na lang ako ng mukha habang sinasariwa ko ang masamang pangyayari sa panaginip. Dumako ang paningin ko sa side table na naroon ang aking relos. Alas kuwatro ng madaling araw nang makita ko ang oras pero madilim pa naman sa labas. Wala na din akong balak na matulog at baka managinip na naman ako ng masama.
Bumangon na ko at ginawa ang daily routine ko. Pagkatapos kong mag ayos ng aking sarili ay lumabas na ko ng kuwarto na naka jogging pants ako na lagpas hanggang tuhod at isang black racer top na kulay itim. Tinernuhan ko na din ng puting rubber shoes. Tinali ang mahaba at kulot kong buhok kaya kita ang maputi kong batok. Sinuot ko ang malaking salamin sa mata ko.
Total maaga pa naman para magtrabaho sa loob ng mansion at wala namang pasok dahil linggo ngayon.
Lumabas na ko ng mansion at nag warm up muna. Inorasan ko muna ang sarili ko bago ko umpisan ang mag jogging. Dati 30 minutes lang ang kaya ko sa pagtakbo ngayon medyo nasanay na ko kaya umaabot na ako sa isang oras sa pagtakbo. Medyo may katabaan pa ng konti ang aking tiyan kaya kailangan pang pagbutihin ko ang magpapayat.
Sa labas lang ng hacienda ako nag jogging total maliwanag naman. Inabot na ko ng isang oras sa pagtakbo at paikot ikot lang ako dito dahil natatakot akong lumayo dahil may kadiliman ang banda doon. Nagtago muna ako sa likod ng puno ng may sasakyan na parating at kay Sebastian ang sasakyan na iyon. Sinundan ko ito hanggang sa makarating sa mansion. Tumigil ang sasakyan at inuluwa doon ang bulto ni Sebastian ngunit kasama nito si Sofia.
Lumabas na lang ako sa likod ng puno kung saan ako nagtatago. Parang may konting kirot akong naramdaman nang makita ko sila pagkababa nila ng sasakyan.
May nararamdaman na kaya ako kay Sebastian kahit galit ito sa akin? Tanong ng isip ko.
Hindi ko na tinuloy mag jogging dahil ilang minuto na lang ay mag aalasais na. Tutulungan ko pang magluto si ate Ana. Simula noong mamatay sila lolo at lola ay ako na ang katulungan ni ate Ana sa loob ng mansion dahil iyong ibang kasama niya ay umuweng probinsiya.
Maingat akong pumasok sa loob ng mansion para hindi makagawa ng ingay at sa pag akyat ko ng hagdan para magpalit sana ng damit pang bahay sa itaas ng kuwarto ko ay hindi naman inaasahan na magka salubong kami ni Sebastian na naka boxer short lang ito at walang damit pang itaas. Napahinto ako at tumingala dahil nasa itaas siya ng baitang. Nahinto ang tingin ko sa kaniyang malapandesal niyang tiyan. Ngunit hindi ko inaasahang mangyari at tinapik ang noo ko kaya nagising ako sa pagka tulala ko. Napahiya ako sa ginawa kong paninitig sa kaniyang mala adonis niyang katawan.
"Get out of my way!" utos niya. "Sorry Sebastian," paumanhin ko sa kaniya kaya pumagilid ako sa gilid ng hagdanan.
Nang magkatapat na kami ng baitang sa hagdanan ay nagsalita itong muli at dinuro duro ako.
"Sa susunod, huwag kang haharang harang sa dinadaanan ko and make your own way," saka mabilis itong naglakad pababa ng hagdan.
Ano daw? Ako gagawa ng daanan ko. Saan naman? tanong ng isip ko. Ang luwang luwang ng espasyo ng hagdanan pero mas gusto pa niyang dumaan sa dinadaanan ko, sabi ng isip ko.
Pagkababa niya ay umakyat na din ako upang mag bihis. Maisusuot ko na din sa wakas ang mga bigay ni lola sa akin. Ngunit medyo masikip pa din sa akin yung ibang mga damit kaya yung maluwang na tshirt na lang ang sinuot ko saka isang tokong na short hanggang tuhod ang haba.
Nasa may kusina na ko at naabutan ko si ate Ana na nagluluto ito ng pang umagahan.
"Good morning ate Ana," tila nagulat pa ito dahil sa nakatalikod itong nagluluto.
Napaharap ito sa akin na hawak ang kan'yang dibdib. "Ginulat mo naman ako. Magandang umaga din sayo. Bakit maaga ka ata ngayon? Susunduin ka ba ng maaga ni Nathan?" Sunod sunod niyang tanong.
"Mamayang hapon daw siya pupunta ate Ana kasi magsisimba na daw muna siya."
"Ah ganun ba. Hindi ba nanliligaw sayo si Nathan?" Ang malakas na bigkas ni ate Ana. Napalingon na lang kaming dalawa dahil sa gawa ng ingay sa may mesa. Si Sebastian na naupo kasama pati ang gf niya.
"Are you done cooking Ana?" Seryosong tanong niya at umupo na ito sa kan'yang silya.
"Opo sir," magalang na sagot naman ni ate Ana.
"Can you make me a coffee Marina," utos ni Sofia. "Ahm... hon gusto mo din ba ng coffee?" Maarteng tanong niya kay Seb.
"Yeah" tipid niyang sagot.
"Make it two cups of coffee Marina. Bilisan mo at huwag kang tatanga tanga diyan," pagalit niyang sabi.
Tumingin sa akin si ate Ana na parang naaawa ito sa akin.
Mabilis kong ginawa ang pinag uutos sa akin ni Sofia at dedma lang itong si Sebastian habang inilalapag ko ang kapeng mainit sa mesa. Nang mailapag ko na ang kape ni Sofia siniko niya ang braso ko kaya ito natapon sa kaniyang hita.
Napahiyaw ito sa sakit at agad na tumayo itong si Sebastian at hinwakan ng mahigpit sa aking braso. Hinila niya ako palabas ng mansion saka itinulak ako sa damuhan at muntik pang mapasubsob ang mukha ko sa lakas ng pagtulak niya sa akin.
"Nakita mo ba kung ano ang ginawa mo ha Marina, ang laki mong tanga!" Sigaw niya at bigla namang sumulpot si Sofia sa likuran ni Sebastian. Sinugod niya ako at sinabunutan ang nakalugay kong buhok. Sobrang sakit sa anit dahil sa lakas ng kan'yang pagkakasabunot niya sa akin. Pinagkakalmot din niya ang mukha ko ngunit lumaban ako at pinagsasampal ko din siya ng pagkalakas lakas. Hindi ko hahayaan na api apihin lang ako ng ibang tao lalo na at wala naman itong papel sa buhay ni Sebastian.
"Sebastian help me," pagmamakaawa ni Sofia.
Hinila ulit ako ni Sebastian at tinulak akong muli. Hindi ko nabalanse ang katawan ko kaya bumagsak ako sa may damuhan at nakaramdam ng konting hilo dahil parang may isang bagay na tumusok sa aking ulo. Kinapa ko ito sa may likod ng aking ulo at tinignan ang aking palad na may dugo. Nakita ko pa si ate Ana na papalapit siya sa kinaroroonan ko at narinig ko pang nagsisigaw ito. Unti unti ng nagdilim ang paligid ko dahil nakakaramdam ako ng matinding hilo. Tanging pag iyak na lang ni ate Ana ang naririnig ko at hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.
...........
Nagising na lang ako at medyo masakit pa ang ulo ko. Kinapa ko pa ito sa may bandang likod ng ulo ko at nakabenda pa ito.
Naging malabo ang paningin ko dahil wala akong suot na salamin. Hindi ko alam kung sino ang kasama ko rito sa loob ng kuwarto ko dahil natutulog ito sa may sofa.
Nagising siya dahil sa nakagawa ako ng ingay. Nahulog ang cp ko kaya bumangon siya. Hindi ko inaasahan na si Sebastian ang nagbabantay sa akin.
Lumapit siya sa akin at tila natakot ako sa paglapit niya.
"Wala akong gagawing masama sayo and sorry for what I did to you," hongong paumanhin niya. Nakakapagtaka lang dahil sa pagbabago ng kan'yang mood. "Lalabas na muna ako kung natatakot ka sa akin. Si Ana na lang muna ang magbabantay sayo."
Tumalikod na siya at lumabas ng kuwarto ko. Nakaramdam na lang ako ng pagkabog sa puso ko ng magsalita siya kanina.
Marunong din pala humingi ng sorry si Sebastian, anas ko. May kabaitan din pala na nakatago sa puso niya ngunit hindi niya lang ito madalas na ipinapakita dahil na din siguro sa maagang pagka ulila nito sa magulang niya.
Bumukas ang pinto at iniluwa doon si ate Ana. Pumasok ito na may bitbit na tray na may laman na masasarap na pagkain at inilapag sa mesa.
"Anong nangyari ate Ana? Ikwento mo naman."
"Kumain ka na muna at magpalakas dahil kahapon ka pa na walang malay. Mamaya ko na lang sasabihin sayo ang buong pangyayari."