Nagpunta agad ako sa sementeryo upang dalawin ang puntod nila lolo at lola ng matapos ang klase namin. Pero hindi ko inaasahang makita si Sebastian dahil nandirito din siya.
Una kong tinungo ang puntod ni lola dahil naroon si Sebastian sa puntod ng kaniyang lolo. Tumingin sa akin si Sebastian na malungkot ang kaniyang mga mata. May bahid pang mga luha sa kaniyang mga mata dahil galing ito sa pag iyak.
Nanatiling tahimik ang pagdalaw namin sa kanilang mga puntod at ni isa walang gustong magsalita sa amin.
"Tama bang naririto ka pa at kailangan pang manatili ka pa sa bahay ngayong alam mong wala na sina lolo at lola na masasandalan mo," madiing sabi niya.
Yun ang mga katagang binigkas ni Sebastian sa akin ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay naaawa lang ako sa kaniya dahil wala na itong katuwang sa buhay. Tanging nag iisa na lang ito sa Monteclaro clan.
Ang kwento sa akin ni lola ay may kapatid daw na babae si lolo ngunit matagal na itong nawawala.
Pinahanap nila kahit saang parte ng mundo ay wala silang napala kahit gumastos pa sila ng malaki mahanap lang siya. Sixty years na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa din ito natatagpuan. Sampung taong gulang pa lamang ito ng mawala ang kapatid ng kaniyang lolo.
Matalim ang kaniyang mga mata na nakatingin ito sa akin.
Hindi ako iiyak, kaya kong pakinggan lahat ng mga masasakit na salitang lumalabas sa bunganga ni Sebastian upang mailabas ang mga hinanakit sa puso niya. Makakatulong ito sa kan'ya para mabawasan ang poot at galit na namuo sa kan'yang puso. Ito na lang palaging bumubulong sa tenga ko para pakalmahin ang sarili kong hindi magalit sa kan'ya na pagmumulan ng away.
"Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo at pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa mansion at pati ang pag aaral mo ay dapat pa bang ipagpatuloy mo pa. Lahat ng bagay sayo at pati pag aaral mo ay galing kina lolo at lola. Ganyan na ba kayong mga mahihirap, umaasa na lang sa ibang tao para umangat ang inyong buhay," malamig niyang sabi.
Ang sakit sa tenga na marinig ang mga huling sinabi niya. Naikuyom ko ang dalawang mga kamay ko at nag-umpisang mangingilid ang luha ko ngunit pinilit kong iwasan na mailabas ang mga naipong luha sa aking mga mata na halos puro masasakit na salita ang binibitawan ni Sebastian sa akin. Paulit ulit niya itong sinasalita at hindi ko na kaya pang pakinggan ito dahil tila papatak na ang naipon kong luha sa aking mga mata.
Umalis na ko at tumakbo, iniwan ko na lang siyang mag isa doon. Tagos hanggang buto ang kaniyang mga sinabi. Masakit pala na masampal sa katotohanan pero hindi ganoon ang intensiyon ng pamilya namin. Mabait sila inay at itay at ayaw kong pati sila ay idamay ni Sebastian sa galit niya.
Matagal ng naiinis sa akin si Sebastian pero bakit hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa akin.
Kailangan na naming umalis nila inay at itay sa hacienda kung iyon lamang magpapakasaya kay Sebastian. Iyon na lang ang tanging paraan para lumigaya si Sebastian.
Pero paano ang pinangako ko kay lola na hindi ako aalis dito at gusto niyang makapagtapos ako ng pag aaral.
Agad akong sumakay ng tricyckle at inarkila ko na lang ito pauwing hacienda.
Nakarating din ako sa wakas sa hacienda ngunit hindi ako sa mansion umuwe kundi sa dati naming tinitirhan. Dito muna ako mananatili sa aming bahay at hindi na ako babalik sa mansion.
"Napaaga ata ang uwe mo Marina!" tanong ni inay.
Nagmano muna ako sa kanila inay at itay saka umupo sa kawayan naming upuan.
"Dito na po muna ako ulit titira inay, itay. Namiss ko po kasi kayo eh." Tumayo ako at niyakap silang dalawa.
"Meron bang nangyaring hindi maganda at biglaan na lang ang pagpunta mo dito, ha Marina?" Alalang tanong ni itay.
"Wala pong nangyaring hindi maganda itay. Si itay talaga parang ayaw na ata akong nandito ako."
"Naku! ikaw bata ka, namiss ka din namin ng inay mo kaso napalayo lang ng konti ang uuwian mo imbes na sa mansion ka mas malapit ang eskwelahan mo kapag nandoon ka. Ayaw lang namin na mapagod ka sa paglalakad mo."
"Itay okay lang po iyon kasi gusto ko na pong magpapayat." Hindi ko na napansin ang katawan ko dahil sa bilis kong tumaba.
"Ang takaw mo kasi anak eh," saka tumawa si itay sa akin.
Bukas ay sabado at susunduin ako ulit ni kuya Nathan para sa panibagong exercise na naman. Sa mahigit na isang buwan mula ng mamatay sila lolo at lola, naging libangan ko na din ang mag gym dahil gusto kong mabawasan ng lungkot na nadarama ko sa tuwing maaalala ko sila.
Minsan kapag wala akong ginagawa sa mansion ay sa loob ng kuwarto ako nag eexercise, lahat ng tinuro sa akin ni kuya Nathan ay lahat ng iyon ay ginagawa ko. Umiiwas na din ako sa mga pagkaing mamantika at tanging prutas at gulay lang ang kinakain ko at minsan kumakain din ako ng karne at palihim ko lang iyon kinakain dahil sa naglalaway ang dila. Minsan talaga kapag masarap ang ulam hindi ko maiwasan ang hindi kumain, kahit pagalitan na ko ni kuya Nathan.
Kinaumagahan at alas otso na ng umaga ay agad akong ginising ni inay.
"Marina tanghali na,! niyugyog ako ni inay para gisingin. Parang ang sarap ng tulog ko dito sa bahay namin kaysa doon sa mansion. Parang ngayon lang naging mahimbing ang tulog ko.
"Inay bakit po?" Pupungas pungas ako ng mata habang nasa kama pa lang ako.
"Anak bumalik ka ng mansion ngayon dahil kanina pa nag aantay yung si attorney Aliman sa mansion. Sinabi lang ni Tonyo kani kanina lang. Ginising na kita at baka mainip si Sebastian kakaantay sayo. Sige na anak bilisan mong kumilos diyan," nagmamadaling sabi ni inay.
"Opo inay!" lumabas na ng kuwarto ko si inay habang ako ay nahiga muli sa aking kama. Naisip ko bigla si Sebastian kaya napatayo ako agad sa kama ko. Dali dali akong naligo sa may likuran ng bahay namin dahil nasa labas ng bahay ang banyo namin.
Nagsuot na lang ako ng jeans at isang fitted na damit. Medyo may katabaan pa ako ng konti kaya konting push pa Marina , makakamit mo din ang hinahangad mong sumeksi.
Mula bahay namin hanggang mansion ay tinakbo ko lang para makarating agad sa mansion kahit pilit akong pinasasakay sa kabayo ko ni itay ay tinanggihan ko lang ito. Fifteen minutes ay nakarating din ako agad sa mansion na hinihingal kaya sa kusina na lang ako dumaan para makahingi ng tubig kay ate Ana dahil sa pagod kong tumakbo.
Nagpahinga muna ako saglit saka ako pumunta sa living area kung saan naroon sina attorney at si Sebastian na masungit.
Kunot noong napatingin sa akin si Sebastian, palagi na lang nakasalubong ang kilay nito sa akin kapag nakikita niya ko.
"So lets start our discussion," wika ni Attorney. "Alam ko Sebastian na nagtataka ka kung bakit pati si Marina ay kailangang makinig sa last will of testament ng iyong lolo at lola dahil siya ang magiging susi mo para mapasaiyo lahat ng ari arian ng naiwan ng iyong angkan," agad na sabi niya.
Ano daw? Ako ang susi? Anang isip ko.
"So, bakit mo nasabing siya ang magiging susi ko para mapa saakin lahat ng naiwang ari arian ng mga yumao kong mahal sa buhay." ang pagdidiin na salita ni Sebastian kay Attorney.
"Okay sasabihin ko agad, kailangan mong pakasalan si Marina pagtungtong niya ng disi otso at kapag hindi mo siya pinakasalan ay mawawala lahat sayo ang mga naiwang ari arian ng iyong lolo at lola. Lahat ng ari arian niyo ay maipapasa lahat kay Marina pagkatapos ng dalawang araw ng kaarawan ni Marina. Kaya bago matapos ang kaarawan ni Marina ay magpakasal na kayo agad," mahabang paliwanag ni Attorney.
"What?!" sigaw ni Sebastian at napatayo siya sa kinauupuan niya.
Tila nagulat din ako sa narinig ko mula kay Attorney.
"This is crazy," madiin nitong na may may halong pagkainis.
Ako naman ay nakatulala lang dahil sa gulat ko na magpapakasal kaming dalawa ni Sebastian.
"Kung may balak ka mang ipawalang bisa ang kasal niyo para lang makuha mo ang mga ari arian ay dapat na magkaroon kayo ng mga anak bago mo siya hiwalayan at ang mangyayari ay mapupunta lamang sayo ang 25 percent at sa pamilya mo ay seventy five percent," ang dagdag na salita ni Attorney.
Lalong nagalit si Sebastian kay Attorney kaya kwinelyuhan niya ito.
"I don't f*****g marry this woman," turo niya sa akin. "Ash**e!" mura pa nito.
"Sebastian bitawan mo si Attorney, wala siyang kasalanan," pag gigiit ko.
"Tumigil ka Marina dahil sampid ka lang dito!" ang sigaw na pagalit ni Sebastian sa akin. Nagsukatan kami ng tingin. Itinikom niya ang kan'yang panga pagkatitig ko sa kan'ya.
Binitawan din agad ni Sebastian si Attorney at inayos niya ang gusot nitong polo.
"May kulang pa ba at sabihin mo na lahat yang walang kwentang bagay na iyan," inis pa niyang sabi. Medyo nahimasmasan siya ng konti.
"Meron pa akong huling sasabihin Sebastian at sana naman tanggapin mo na lang kung ano ang mga naging habilin ng lolo at lola mo."
Humarap si Attorney sa akin, "ito ang pinaka huling bilin ng lolo at lola mo Marina. Kung maaari lang ay huwag na huwag kang aalis dito sa mansion at kailangan mong magtapos ng pag aaral mo. Dito ka na titira sa mansion," umiling ako dahil hindi pa ko handa sa mga naging disisyon nila lolo at lola.
Sa mga huling sinabi ni Attorney ay parang ngayon pa lang ay hindi ko na matitiis ang ugali ni Sebastian, dahil simula pa lamang ay may galit na ito sa akin. Paano na ngayon kung ikakasal na ko sa kaniya. Ano kaya ang magiging estado namin sa buhay kapag kinasal na kaming dalawa? May mangyayari kayang maganda sa amin o magiging impyerno ang buhay ko sa kaniya? Yan ang mga katanungan sa isip ko na bumabagabag sa puso at isipan ko.