Valentines Day. Nasa venue na silang dalawa ni Trina. Sinigurado ng kaniyang kaibigan na hindi siya makikilala ng kahit na sino. Pinagsuot siya nito ng sumbrero, habang nakalugay lang ang mahabang buhok at pinag-jacket nang maluwag. Ipinahiram din nito ang contact lens nito, dahil kilala siya ng mga tao na laging nakasalamin. Baka raw madali siyang makilala kapag iyon ang suot niya Matagal ang ipinaghintay nila sa pila sa dami ng taong naroroon. Lahat ay nag-aabang sa isa sa itinuturing na concert of the year. Humakot kasi iyon ng libo-libong fans mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Hindi alam ni JE na naroon siya. Kahapon, nang tawagan siya nito, inimbitahan siya ng binata sa concert. Pero nagpakatanggi-tangi siya sa sulsol na rin ni Trina. Kailangan raw ay surpresa iyon para mas

