Lumipas ang mga araw. At ang mga araw ay naging mga linggo, buwan at taon. Four years and JE’s body cannot be found. Walang makapagsabi kung paano nga ba nangyari iyon. Hindi masabi ng pulisya kung may foul play bang naganap o wala. They just predicted that maybe, JE was not really in his car before it crashed. At ang teoryang umalis ito nang hindi nagpapaalam sa kahit na kanino ay malakas na umingay sa sirkulong ginagawalan nito. And she became the talk of the whole country. May mga taong naaawa sa kaniya at mayroon ding hindi; lalo na ang libo-libong fans ni JE. Karamihan sa mga ito ay galit sa kaniya. Na kesyo hindi raw naging maayos ang pagsasama nila. Na kesyo nasakal daw si JE, kaya bigla na lang itong nawala at hindi na nagpakita pa. Maraming ispikulasyon ang lumabas. Mga kung

