“J-JE. . .” nauutal na wika niya at napatingin sa paligid. Marami-rami rin ang taong naroroon na halos lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanila. Halatang nakilala ng mga ito ang lalaki dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas ng bar. May ilang mabilis na kinuha ang mga cell phones nila at agad silang kinuhanan ng pictures at videos. Biglang natilihan si Bettina at nag-aalalang hinirap ang binata. “A-Anong ginagawa mo rito?” Pero hindi ito sumagot. Tahimik lang siyang hinila nito palayo roon. Dumeretso sila sa parking area kung saan naroon ang kotse nito. Pagdating doon ay mabilis nitong binuksan ang passenger seat. Hindi naman na siya nagprotesta pa, dahil ang ilan sa mga kababaihang nakakilala sa lalaki kanina ay sumunod sa kanila. Nahinuha agad niyang fans ang mga i

