“Why? What is it?” tanong ni JE kay Bettina. Umiling s’ya rito. Hindi niya makuhang magsalita dahil sa nakikita. “Ano ba iyon? Ano bang tinitingnan mo?” Hindi na nito hinintay ang kaniyang pagsagot. Sinilip nito ang nasa screen ng telepono niya kasabay ng pangungunot ng noo. “What’s the problem with that?” Inis na hinarap niya ito. “Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na para pala akong matandang bruha rito?” reklamo niya at ipinakita pa uli sa lalaki ang larawan nila. “Kita mo, oh. Alalay na alalay ang dating ko!” mangiyak-ngiyak sa inis na dugtong niya. Natawa si JE na lalo niyang ikinainis. “So, may dapat pa ba akong ikabahala sa pagkalat ng mga larawan natin ngayon? Sa tingin ko naman parang hindi ka apektado,” anito. Lumabi siya. “Anong hindi apektado ang pinagsasasabi mo d’y

