“Ate Bettina! Dali! Dali! Si Kuya JE nasa TV,” humahangos na wika ng kapatid niyang si Jessica nang puntahan siya nito sa kanilang kwarto. Agad siyang napatayo at sa isip ay may nangyari ritong masama. Nauna pa siyang bumalik sa sala kung saan nanonood ang kapatid. “Wow! At kumpleto silang lahat! Please give it up for. . . The Hermits!” masiglang saad ng host ng pang-umagang talk show sa ABBN; ang Morning with Lizzie. Kung saan si Lizzie Monsanto ang host na isang sikat na TV personality sa bansa. Nakangiting bumati naman rito ang lahat maliban kay JE, na hindi nawawala ang pagkaseryoso ng mukha. Matagal niya itong tinitigan. He was the usual himself kapag iba ang kaharap nito. The old JE—aloof and snob. Naupo siya sa pang-isahang sofa na yari sa kawayan at walang kakurap-kurap na naka

