“What is it this time, huh? Sinusundan mo ba ako? Paano mo nalamang dito ako nakatira?” Magkakasunod na tanong nang walang iba kun’di si J.E.
Nakasuot lang ito nang simpleng short at sando na pambahay na may ilang butas na rin dahil siguro sa kalumaan niyon. But my God! Kahit yata basahan ang isuot nito, hindi pa rin mababawasan ni katiting ang angking kakisigan nito. And to be honest, he’s even hotter wearing those!
Napalunok si Bettina at hindi agad nakapagsalita. Pakiramdam niya ay nalulon niya ang sariling dila nang mga sandaling iyon. At bigla yatang uminit ang paligid kahit malakas naman ang hangin doon.
Akalain mo nga naman, of all places, bahay pa talaga nito ang mismong natapatan niya. And take note, hindi niya alam na may bahay ito sa San Mateo. Dahil ang alam niya matagal ng lumipat ang mga ito sa Maynila.
What a coincidence! At talagang natandaan pala s’ya nito.
And so? Anang kabilang bahagi ng isip niya.
“Ano? Are you just gonna stand there or what? Because you’re invading my privacy right now. Kaya kung wala ka rin namang magandang dahilan para gambalain ako ay umalis ka na lang,” supladong wika nito bago tumalikod.
Natauhan naman siya.
“S-Sandali!” nauutal na wika niya at patakbong lumapit dito. Mabuti na lang at medyo may kagaanan ang scooter na dala niya, kung hindi baka nasubsob na s’ya sa lupa dahil sa pagmamadali na maabutan ito.
Tumigil ito at salubong ang mga kilay na hinarap s’ya.
“P-Pwede bang makituloy dito ngayong gabi?” humihingal na pakiusap niya.
Wala na s’yang oras para magpaligoy-ligoy. Kaya kahit hiyang-hiya ay kinapalan na niya ang mukha.
Lalo namang dumami ang gatla sa noo nito sa narinig.
“A-Ano kasi. . . naubusan ako ng gasolina at wala namang malapit na gasolihan dito, kaya kailangan ko ng matutuluyan. M-Malayo pa kasi ang sa amin. Sa Sta. Fe pa ako nakatira. Kaya kung pwede sana na makituloy muna kahit ilang oras lang,” kandabuhol-buhol ang dilang turan niya.
Matagal s’ya nitong tinitigan bago ang motor na nasa tabi niya, pagkuwa’y nagdududa ang tinging hinarap s’yang muli.
“Paano ako maniniwala sa sinasabi mo? Baka naman ini-stalk mo lang ako,” anito.
Kandabali ang leeg na mabilis s’yang umiling.
“Hindi! Kahit subukan mo pa itong motor ko na paandarin. Hindi talaga s’ya aandar.”
Tumiin ang mga labi nito at sandaling nag-isip.
“Still. . . hindi pa rin ako dapat basta na lang magtiwala sa ’yo. I know you are a fan of mine, and fans tend to do crazier things just to get their idols’ attention. Malay ko ba kung may balak kang gawing kakaiba sa akin,” pambabara nito sa kan’ya.
Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting bumangon ang inis sa dibdib. Ano bang karapatan nito na pagbintangan s’ya ng ganoon?
“Alam mo, kung ayaw mo talaga akong patuluyin sa bahay mo, di bale na lang. Hahanap na lang ako ng ibang bahay na may mabuting kalooban,” pasupladang wika niya habang naninikwas ang nguso. Tinalikuran na niya ito at inis na nag-umpisa na muling maglakad palayo.
Alam na niyang may pagkasuplado ang lalaki noon pa man, pero hindi niya alam na wala rin pala itong puso. Napapaisip tuloy s’ya kung tama bang inidolo niya ito.
“Wait!” anito nang malayo-layo na s’ya.
Napatigil naman s’ya sa paghakbang at dahan-dahang lumingon dito.
“Just don’t do anything stupid. Dahil hindi ako mangingiming palayasin ka sa aking bahay agad-agad,” magkadikit ang mga kilay na sabi nito.
“At ano namang palagay mo sa akin m******s?” sikmat niya.
“Well, I don’t know you. . .” Nagkibit-balikat ito na sinabayan nang bahagyang pagngiti.
Natulala si Bettina.
Totoo ba ang nakikita niya!? That the infamous JE Mallari was smiling at her! Ang lalaking nuknukan ng suplado at laging seryoso, ngayon ay ngumingiti sa kan’ya!?
Oh my God! Oh my God! Natatarantang sigaw ng isipan niya habang kaybilis-bilis ng t***k ng kaniyang puso. Hindi rin s’ya halos humihinga habang titig na titig dito. Pakiramdam niya anumang sandali ay hihimatayin siya.
Napataas ang isang kilay ng lalaki at muling sumeryoso.
“Ano? Tatayo ka na lang ba d’yan?” iritableng tanong nito.
Tila naman nagkaroon ng mga pakpak ang mga paa niya at magaang naglakad pabalik sa kinaroroonan nito. Niluwagan naman ng lalaki ang pagkabukas ng gate.
“Thanks. . .” pasasalamat niya na may malapad na ngiti.
Hindi ito umimik at tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob ng bahay. Iniwan din nitong bukas ang main door, kaya dali-dali s’yang pumasok doon pagka-park ng scooter.
The house was just a simple bungalow type with three bedrooms. Pero ang ikinapagtataka niya nang makapasok doon ay wala man lang kalaman-laman iyon. Ni wala ngang sofa na maaaring upuan. Wala ring kahit anong dekorasyon maliban sa mga kurtina na kulay brown. Ang dingding naman ay kulay puti ang pintura. Para tuloy iyong bahay-panalanginan. Kulang na lang ay magsabit ng krus sa dingding.
Pero tantya naman niya ay matagal na ring nakatayo ang bahay na iyon doon, base na rin sa itsura niyon sa labas kanina. Medyo kupas na kasi ang pintura noon na puti rin.
“You can use this room,” ani JE nang lumabas sa isang kwarto na naroon.
Tumango s’ya bago muling iniikot ang paningin sa loob ng bahay. Pagkuwa’y sinilip ang silid na itinuro nito.
Lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya nang makita iyon. Wala ring laman iyon kundi isang manipis na kutson at unan.
Bahay ba talaga nito iyon? Takang tanong niya sa sarili bago palihim na sinulyapan ang lalaki, na tahimik lang na pinagmamasdan s’ya.
“I don’t entertain questions. Kung may reklamo ka sa tutulugan mo, umalis ka na lang,” anito nang mapansin ang ginagawa niya.
Mabilis pa sa alas-kuatro s’yang umiling, kasabay nang mariing pagkakatikom ng bibig.
“Ayoko sa lahat ay maingay. I’m working in the next room, kaya kapag nakarinig ako nang kahit na anong ingay mula rito—you’re out,” dagdag pa nito bago s’ya tinalikuran.
Walang nagawa si Bettina kundi ang marahang naglakad papunta sa kutson. Pakiramdan niya para siyang nasa isang excursion, habang iniikot pa rin ang mga mata sa buong silid. Dahan-dahan s’yang naupo at pagkuwa’y ibinaba ang bag. Kinuha niya doon ang camera at ang mga pinirmahang CD ni JE.
While looking at it, hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na hindi kiligin lalo na sa mga kuha nilang dalawa. Being a fan of him for almost eight years gave her a meaningful youth. And after all these years, hindi pa rin niya lubos akalain na makikita niya ito ng personal, o ang makalapit man lang dito nang ganoon just knowing his personality itself.
Feeling niya nasa cloud nine pa rin sa mga oras na iyon. At hindi niya alam kung makakatulog pa ba s’ya, lalo na at alam niyang nasa kabilang silid lang ang lalaki.
*****
On the other hand, JE was busy writing a new song. Hindi naman na bago sa kaniya ang ganoon, but it felt so different this time.
Dapat sana ay tutuloy na s’ya sa Maynila pagkatapos ng kanilang concert kanina, pero nagbago ang isip niya at nagpaiwan kay Marlon sa bahay niya. Hindi n’ya rin maintindihan ang sarili. Madalas kapag nagsusulat s’ya ay nasa studio lang s’ya, because it was a quiet place for him. Mas nakapag-iisip siya nang matino. At isa pa, naroon na lahat ng kailangan niya. Because after writing, he will quickly make a demo.
But this time, mas komportable s’yang sumulat sa bahay niyang iyon. Tahimik din naman doon and he has a keyboard and guitar there. Mga natatanging kagamitan na makapaglalarawan sa kung sino ba talaga siya.
Huminga s’ya nang malalim at napatingin sa dingding na namamagitan sa kanila ni Bettina.
Kanina nang makita niya ito ay hindi niya maiwasang pagmasdan ito nang husto. Maliban sa salaming suot nito at may kaguluhang ayos ng buhok, hindi naman maitatago noon ang angkin kagandahan nito.
She has a set of dreamy looking eyes na may mahahaba at malalantik na pilik-mata. Animo’y may mahikang nakapaloob sa mga iyon at nang-eengganyo sa sino mang matitigan nito. Matangos ang ilong nito, may makipot at mapupulang mga labi; na agaw pansin ang nunal na nasa bandang ilalim ng pang-ibabang labi nito. Para bang sinadya talaga iyong ilagay roon upang mas lalo pang maging kapuna-puna at kaakit-akit ang katakam-takam nitong mga labi.
Hugis-puso ang mukha ng dalaga. At kapareho ng balat niya ay kayumanggi rin ito. Maliit lang ito pero hindi naman gaanong kaliitan. Palagay niya’y nasa limang talampakan ito at tatlo hanggang apat na pulgada.
Hindi siya ang tipo ng lalaki na madaling makuha ang atensyon, but Bettina made that so easily. Halos hindi na nga niya mapigilan ang sarili na sulyapan ito habang nasa ibabaw s’ya ng stage kanina. And he didn’t know if the woman noticed that, but he’s so sure na nasa alanganin s’yang posisyon ngayon. At bakit nga ba hindi kung pader lang naman ang nakapagitan sa kanila.
Kung hindi lang talaga baka isipin nito na napakawalang-puso niya ay hindi na sana niya ito pinatuloy roon. But according to her, malayo pa ang lugar na pinanggalingan nito. At hindi naman maikakaila na nagsadya pa ito sa San Mateo para lang mapanood s’ya.
Napailing s’ya at napasandal sa kinauupuan.
There was something about her that bother’s him. At nahihirapan siyang alamin sa sarili kung ano iyon.