“Betty, mauna na ako sa ’yo, ha. May pinabibili pa kasi si Inay sa akin sa may bayan,” ani Trina sa kan’ya habang papunta sila sa may sakayan. “Ganoon ba? Sige. . . Hindi rin naman nga kita masasamahan dahil marami pa akong tatapusin. Kailangan ko na ring maghanda para sa nalalapit nating student teaching,” aniya. “Sige, mauna na ako sa ’yo.” Pinara na nito ang paparating na jip papuntang bayan. Kumaway pa ito sa kaniya habang lumalayo ang sinakyan. Nakangiting ginantihan naman niya iyon. Nang mawala ito ay siya naman ang nag-abang ng masasakyang pauwi sa kanila. Medyo rush hour kaya punuan ang mga jeepney at mahirap makasakay. “Hi, Bettina!” Mula sa kung saan ay sumulpot ang hindi niya nakikilalang lalaki. Naka-uniporme rin ito kagaya ng mga lalaking pumapasok sa St. Benedict, kaya al

