“Hindi nga kayo nagkikita pero panay naman ang text at tawagan ninyo. Aba, kulang na lang yata buong araw kayong mag-usap, eh. Kung hindi ko pa alam na mas inuuna mo pa rin ang pag-aaral mo, baka kanina ko pa ikaw ipinakurot kay Tita Regina sa singit,” nanghahaba ang ngusong maktol ni Trina habang papunta sila ng cafeteria. Natawa s’ya. “Ano bang gusto mong isagot ko d'yan?” tila nang-aasar pang tanong niya rito. Inirapan s’ya nito. “Wala! Wala kang dapat isagot dahil mahihili lang ako. At kung hindi pa ako ang best friend mo, malamang na talagang nagtampo na ako. Dahil mas matagal mo pang kausap si JE kaysa sa ’kin.” Nagmartsa ito papasok sa cafeteria na puno ng estudyante dahil lunch break na. Pumila ito sa hindi gaanong kahabaan ang pila. Tahimik naman siyang sumunod dito, habang ab

