“Anong nangyayari anak?” tinig iyon ng ina ni Bettina. Nag-aalala na siguro ito nang hindi siya nakabalik agad. “Si JE ho, ’Nay, inaapoy sa lagnat,” alalang-alalang tugon niya. “Ha! Naku! Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa batang ’yan. Ang mabuti pa, ipasok n'yo muna sa loob,” anito. Madali namang kumilos si Marlon. Inalalayan nito ang binata pababa ng sasakyan hanggang sa loob ng bahay nila. Sa kwarto ng kaniyang Kuya Vince ito pinatuloy ng inay niya. “Kumuha ka ng tubig at lagyan mo ng yelo, pati malinis na pamunas,” utos nito sa kan’ya bago hinarap si Marlon. “Pakitulungan mo na lang akong tanggalin ang damit niya. May baon ba s’yang extra sa sasakyan?” “Oho. Sandali lang ho at kukunin ko.” Muling lumabas ang lalaki at pagbalik ay dala na nito ang pamalit ni JE. “Anong nangyayari?

