“Tatay! Nanay!” malakas na tawag sa kanila ni Kuatro. Pareho silang napabalikwas ng bangon at hindi malaman kung ano ang uunahing isuot. Halos kapapahinga lang nila pagkatapos nang magdamag na lovemaking. Hindi talaga siya pinatulog ni JE, hangga’t hindi sila parehong iginugupo ng antok. “Bilisan mo!” inis na wika ni Bettina rito habang tinutulungan siyang magbutones ng kaniyang pajama. “Ito na nga.” Hindi magkandatuto ang mga kamay ni JE sa pagpapasok ng mga butones sa mga butas niyon. “Ikaw naman kasi. . . Alam mo namang palaging naririto ang mga iyan sa kwarto natin tuwing umaga, tapos hindi ka tumitigil-tigil,” paninisi niya sa asawa. Sandali siya nitong tiningnan habang nakataas ang isang kilay. “Ako ba? Baka naman ikaw?” tudyo nito. Malakas niya itong hinampas sa balikat. “Tig
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


