CHAPTER 18. -- CANDICE, BE LOVE. ( Can this be love?) "Ako na d'yan," agaw ni Alejandro sa tangka niyang paglinis sa basag na basong nagkalat sa lapag. "Umupo ka na lang muna, sabayan mo na kumain si Candy. I can handle this." dugtong pa nitong nginitian siya. Nag-alangan siyang tumayo hindi mawala sa isip ang nangyari. Sinunod niya ito nilapitan niya si Candy para saluhan ito sa kinakaing hapunan. "Are you okey, mommy?" tanong nito sa kan'ya ngumiti siya dito muling binaling ang tingin kay Alejandro na winawalis ang nagawa niyang kalat. "Yes, anak. Medyo dumulas lang sa kamay ni mommy, but I'm fine. Kain na tayo mukhang masarap luto ni manang aa," pag-iiba niya ng usapan pilit na nilabanan ang kabang nararamdaman. Muli niyang tinapunan ng tingin ang binata tapos na ito sa ginagawa t

