CHAPTER 19 CANDICE BE LOVE. ( CAN THIS BE LOVE?) * "Salamat po manang, tawagan niyo nalang po ako kong may balita na kayo kay Leandro," pakiusap niya sa katiwala ng dating asawa sa bahay ng mga ito. Ayon dito ilang araw ng 'di umuuwi si Leandro at Tiffany at kong saan ito naglalagi hangga't ng mga sandaling 'yon walang kahit sinong nakakaalam. Binaba niya ang tawag wala sa sariling napatingin sa kawalan. "Iniisip mo ba siya?" ani ni Alejandro sa likuran niya 'di siya nagtangkang lumingon nanatili ang mga tingin sa malayo walang ibang laman ang isip kong anong nangyayari kay Leandro. "Nag-aalala lang ako," maikli niyang tugon dito. Naramdaman niya ang biglang pagtapik nito sa balikat niya 'di niya ito tinangkang lingunin. "Okey lang siya," aniya nito sa kan'ya. "Paano mo nasabi?" "

