CHAPTER 16 -- "ANAK, NAKITA MO BA SI... SI D-DADDY?" tanong ni Candice kay Candy nang 'di mapansin sa loob ng bahay nila si Alejandro. Maging sa kusina at harap ng tahanan nito walang bakas ng binata ang naroon. Maliban nalang sa sariling silid nito na 'di niya sinubukang tingnan kong nandoon si Alejandro. "Kanina po mommy. Nag-coffee po siya and then sabi ni daddy may pupuntahan lang daw siyang friend." sagot ni Candy na 'di nakatingin sa kan'ya sa pagiging abala nito sa kinakaing kakanin. "E, 'yong food mo kanino galing?" Umupo si Candice paharap dito. Nagtaas ng tingin si Candy nakangiti. "Sa friend po ni daddy. Kay tita Cheska nandito po siya kanina. Late ka na kasi nagising mommy, e." Sagot ni Candy sa kaniya. Napakunot-nuo siya sa pangalan ng babaeng binanggit ng anak niya na m

