CHAPTER 15 -- "MOMMY, BAKIT KA PO NATULOG SA ROOM KO? BAKIT HINDI SA ROOM NI DADDY?" muntik na siyang mabalaukan sa 'di niya inaasahang tanong ni Candy habang tahimik nilang pinagsasaluhan ang almusal na pinahanda ni Alejandro para sa kanila. "Ha, ah. Kasi anak. u-hm," paghahanap ni Candice ng maipapaliwanag dito iniwasang sulyapan ang lalaking nakangiti't naghihintay ng paliwanag niya. "Sabi ko nga sa mommy mo anak, e. Sa'min nalang siya matulog mapilit e." Pag-agaw nito sa iba pa niyang sasabihin. Pinandilatan ito ni Candy ng mga mata niya. Muli niya itong sinulyapan sabay na sinipa ang paa nito sa ilalim ng misa. "Nanakit pa anak oh," sumbong nito kay Candy lalong nanlisik ang mga mata niya sa ginagawang pang-aasar nito sa kan'ya sa harap ng anak nila ni Leandro. "H'wag mo nga pa

