CHAPTER 14 -- NAGING mabilis ang araw na nagdaan. Nakalabas na nang hospital si Candy na 'di man lang nagawang dumalaw o alamin ang sitwasyon nila ng totoong ama nito ng totoong Leandro. "Chocolate cake with mozarella toppings," anunsyo ni Alejandro pagbukas ng pinto nila na may galak sa boses nito dala-dala ang isang lanyerang chocolate cake na may literal na mozarella cheese sa taas ng cake nito. "Anong ginagawa mo?" pikang tanong sa kan'ya ni Candice. Tinaas nito ang buhok na lalong nagbigay ng kakisigan sa mukha nito. Bahagya siyang napalunok ng ngumiti ito sa kan'ya. "Ikaw kaya nagrequest nito 'diba? it's your condition." Tugon nito sa kan'yang nilagay ang plato sa lamesa nila. "Tatawagin ko lang si Candy," tumalima ito animo feel na feel at home sa bahay nila. Napailing siya sa

