CHAPTER EIGHT --- "Goodmorning honey, breakfast in bed." salubong niya sa pagdilat ng mga mata ni Tiffany, n'ong umagang 'yon. "Ano 'yan suhol?" ganting salubong nito sa kan'ya. Umupo siya patabi dito hinawakan ang kamay nitong nasa ibabaw ng sariling unan. "Kaya ayaw kong nagagalit ka e, mas lalo kang gumaganda baka may ibang magkagusto sa'yo sa bakasyon natin." paglalambing niya dito, huling-huli niya ang kislap sa mga mata nito sa nilabas niyang sobre sa likuran niya. "Ticket for two to boracay." magandang balita niya dito tulad ng madalas nitong hingin sa kan'ya mula nang nagsama sila. "Is it real?" may saya sa mga matang kinuha nito sa kamay niya ang sobre tiningnan ang nasa loob. Ang ticket nila papuntang boracay bukas ng gabi na. "Yes, kaya keysa sa magmukmok ka dito at magt

