CHAPTER NINE. -- "YOU ARE LATE!" bungad ni Tiffany sa kan'ya may galit sa boses nito pagdating niya sa NAIA papunta ng Boracay. "I'm sorry, may mahalagang bagay lang akong inuna." Paliwanag ni Leandro. Hindi ito umimik sa kaniya. Pinili niya paring itong hinalikan niya ito sa pisngi. "Maaga pa naman e, may oras pa tayo, honey." aniya ditong nanatili ang nakakabinging katahimikan. Nagpatiuna itong hinila ang maliit na maleta papasok sa departure area ng paliparan. "Tiffy," untag niya sa nananahimik na dalaga sa tabi niya. "Sasabihin mo ba sa akin kong saan ka nanggaling o, huhulaan ko?" bulyaw nito sa kan'ya. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa maleta nito. "Kong sasabihin ko sa'yo hindi na surprise 'yon." paglalambing ni Leandro kay Tiffany, kahit ang totoo may kinaila

