AVIANNA'S POV Naglalakad ako papasok ng school nang makita ko si Riley. Agad naman akong napangiti at akmang lalapitan siya subalit nagulat ako nang makita si Talia na mabilis siyang niyakap kaya naman hindi ko na angawang lumapit pa. Nanatili ako sa kinaroroonan ko habang pinapanood sila. "Yan na nga ba ang sinasabi ko. Dapat kasi nagtapat ka na kay Riley, edi sana ikaw ngayon ang nasa posisyon ni Talia." Mabilis akong napalingon sa nagsalita at nakita ko naman si Ash na naka-cross arm. "Kanina ka pa diyan?" tanong ko sa kaniya. "Yap! Kanina pa kita pinagmamasdan kung ano ang gagawin mo," dagdag pa niya. "Halika na nga. Baka ma-late pa tayo sa practice. Kung anu-ano na ang sinasabi mo diyan," sabi ko pa sa kaniya bago ako lumakad pero mabilis siyang sumunod. "Ano ba kasing probl

