VICTORIA’S POV “Iyah, dahan-dahan–” Agad na natigilan si Eliz nang bigla kong ipinutok ang baril na hawak ko. Ito lang kasi ang naiisp kong paraan para mawala ang inis ko. Pinaputukan kong muli ang target bago iyon tumumba. “Pwede ba, Eliz? Stop following me,” sabi ko bago ako pumasok ng kotse. Ayoko kasi ng kasama ngayon. I want to be alone. Habang nag-drive, napansin ko ang isang pamilyar na kotse. Mas lalo akong nagtaka nang makita ang plate number noon. Kotse iyon ni Mom. Anong ginagawa niya dito sa lugar na ito? Dahil sa curiosity ay sinundan ko siya. Ngayon ko lang na-realize na dito ang bahay nila Jade nang bigla siyang huminto sa harap ng isang bahay. Hindi ako lumabas at pinanood ko kung ano ang gagawin niya. Lumabas sa kabilang pinto si Tita Chantal at animo’y pi

