VICTORIA'S POV Katatapos lang ng shoot ko ngayon at medyo pagod ako. Gusto ko lang talaga makapagpahinga dahil napapagod ako. Pagkauwi na pagkauwi namin ay sinalubong agad ako ni Eliz. Kinuha niya ang mga gamit ko at inakyat sa kwarto ko. Alam kong curious pa rin siya kaya naman tiningnan ko lang siya nang nagtataka. "Anong nangyari? Bakit parang hindi ka mapakali? Natatakot ka ba?" tanong niya sa akin. Tinarayan ko naman siya bago nagsalita. "Ako matatakot? Bakit naman ako matatakot? Sila ang dapat matakot sa akin, Elizabeth. Im Victoria Green, remember?" nakangising sambit ko pa. "How about Ashton? Paano na lang kung gumawa na naman siya ng bagay na magpapasira sa iyo?" natatakot na tanong niya. "Calm down, Eliz. Walang mangyayari sa akin. Hindi niya magagawa iyon dahil sisigu

