VICTORIA’S POV “Iya, look!" Prente akong nakaupo sa may pool nang biglang lumapit si Eliz sa akin at inaabot ang kaniyang cellphone. Nakita ko sa isang video si Ashton. “May relasyon si Victoria Green at ang kanyang bodyguard!” sigaw niya habang hawak siya ng mga police. Bigla akong napatayo dahil sa sinabi niya. Maya-maya pa ay dumating si Conrad at mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit siya nagmamadali. “Are you okay?” tanong niya kaya naman tumingin lang ako sa kaniya at hindi nagsalita. “I was scared,” sabi ko habang paunti-unting kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Maraming mga comments ang nabasa ko kaya naman napapikit na lang ako. Kailangan kong mag isip ng paraan kung paano ko malulusutan ito. Maya-maya lang dumating ang isang katulong dala-dala ang telephone.

