VICTORIA'S POV Nakakainis! Talaga bang sineryoso niya ang mga sinabi ko? Kanina pa ako pabalik-balik dito at hindi ako mapakali. "Hey, Iyah! Can you sit down and relax? Bakit hindi mo na lang tawagan si Conrad?" tanong pa ni Eliz sa akin. "Why would I? Siya ang umalis! Siya dapat ang bumalik!" sabi ko pa at umikot ang mata ko. "Pero pinaalis mo siya. And then now, para kang mababaliw kung hindi mo siya makikita," sabi pa niya. Tinarayan ko naman siya bago ako nagsalita. "Ano siya gold? No way, I'm Victoria Green. Baka nakakalimutan niya?" mataray na sabi ko pa bago ako umakyat sa kwarto ko. Hindi ako mapakali. Kagabi pa kasi siya hindi nauwi. Kaya medyo naiinis ako na nag-aalala. Saan naman siya matutulog? Don't tell me, doon na naman siya kung saan ko siya nakita noon? Tam

