VICTORIA’S POV “Saan ka pupunta?” tanong ni Eliz sa akin nang makita akong papalabas ng kwarto. “May pupuntahan lang ako,” sambit ko pa bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Hindi talaga ako mapakali hangga’t hindi ko nakakausap si Conrad! Hindi pwede ito. Hindi niya ako pwedeng sirain! Nang makapasok sa kotse ay mabilis akong nag-drive palayo. Kailangan ko siyang makita at makausap. Dahil sa tulong ng taong inutusan ko ay natunton ko ang kinaroroonan ni Conrad. Nasa isang hotel raw ito ngayon for sure dito siya natuloy ngayon. Mabilis akong nag-disguise at pumasok sa hotel. Dumiretso ako sa may receptionist at binati naman niya ako. “I will surprise my friend in room 201,” sabi ko pa sa kaniya. Ibinaba ko na rin ang sungglasses ko para naman makita niya ako. “Sorry, Ma’am

