VICTORIA’S POV “Good evening, Madam,” bati sa akin ng isang maid na naglilinis sa sala. Ngumiti lang ako bago umakyat sa kwarto. Galing ako sa restaurant. Inimbitahan na naman ko ni Eli, isa pa wala na akong ibang makitang paraan para tigilan na ako ni Conrad. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makita yung gumawa noon. Medyo kinakabahan na ako kaya naman kailangan ko nang mag-ingat. Matapos kong makapasok ng kwarto ay agad akong naghubad at nagpalit. Pero hindi ko inaasahan na pagbukas ko ng walk in closet ko makikita ko si Conrad na nakaupo habang nakatingin sa akin. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya at agad na nagtakip ng pang-itaas ko. Lumapit naman siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. Hindi pa rin ako komportable dahil feeling ko hindi na ako safe at kau

