THIRD PERSON’S POV Nagkakagulo sa labas ng MPX ang mga reporter para sa paglabas ni Ellaisa Reyes. Halo-halo ang mga tao para makuhaan ng pahayag si Ellaisa para sa isang viral post na may anak na ito. Hindi niya magawang harapin ang mga tao dahil totoo ang lahat ng nasa post ng isang netizen. Pinaghahanap na rin iyon ng mga police subalit dahil magaling na hacker ang inutusan ni Victoria ay hindi nila ito mahanap. Lumabas ng MPX studio si Ellaisa na napapaligiran ng mga bodyguard bago ito pumasok sa kotse. Hindi niya lubos maisip kung sino ang may pakana ng pictures nila ng anak niya lalo na at napaka-private ng photos na iyon. Sa kabilaang banda ay napapangiti si Victoria nang makita ang kalagayan ng kaibigan niya. Hindi niya hahayaang may humigit sa kaniya. Lingid sa kaalaman

