CHAPTER 6

1677 Words
Victoria’s Point of view I woke up when an alarm rang from the cellphone. I slowly opened my eyes. I don't know, but I have a terrible headache. When I opened my eyes, the white ceiling opened up to me. That's why I was suddenly surprised. Where am I? I started to view the whole room. This room is not my room. Everything is white paint, which surprised me a lot. Even though my head hurt, I knew I was in another room. I was about to stand when I felt the cold aircon that touched my skin. When I looked down, I saw my whole body while naked. I immediately covered a blanket that was on my side. I touched my aching head again. I shook my head for a moment when I woke up and once again looked around the room. I was about to get up when I noticed a man next to me. My eyes immediately widened when I saw him. Who is that man? Muli akong napatingin sa katawan kong hubo’t hubad. Bago ako napahawak sa bibig ko. Naka-hubad rin ang pang-itaas niya habang nababalutan ng kumot ang pang-ibabang parte ng katawan niya. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang ganitong sitwasyon. Muli ko siyang tinignan kung sino ang lalaking iyon. Hindi ko siya kilala kaya mas lalo akong kinakabahan dahil baka tama ang naiisip kong dahilan kung bakit ako andito ngayon. Bumangon ako bago ko dinampot ang saplot na nakakalat sa sahig. Mabilis ko iyong isinuot bago ko kinuha ang mga gamit ko na nakakalat sa sahig. Lumabas ako ng kwarto at mabilis na tumakbo papasok sa elevator. “OMG! Miss Victoria?” Napapikit na lang ako nang marinig ang isang boses ng babae sa gilid ko. Huminga ako saglit bago ko inayos ang sarili at tumingin sa kaniya habang may pekeng ngiti sa labi ko. “Sabi ko na! Ikaw nga! Pwedeng magpa-pictures? I’m your number one fan!” kinikilig na sabi niya habang hindi makapaniwalang kaharap niya ang isang Victoria Green. “Sure,” alanganing sambit ko kahit na ang totoo ayoko. Bakit ba lagi silang wrong timing? Ayaw ba nila akong tantanan? Wala akong nagawa kundi ang ngumiti ng pilit dahil nagsimula na siyang kumuha ng litrato naming dalawa. Matapos ang ilang minuto ay agad na bumukas ang pinto ng elevator. Kaya anaman agad akong lumabas habang nakayuko. Mahirap na baka may makakita pa sa akin dito kaya naman mabilois akong tumakbo palabas ng hotel. Paglabas ko ay nakita ko ang mga tao sa labas. Kaya naman agad kong tinawagan ang number ni Eliz. Mabuti na lamang ay mabilis niyang sinagot ang tawag ko. “Iya!” sambit niya kaya naman hindi ko an siyang pinagsalita pa at inunahan ko na agad siya. “I need your help! Please fetch me here!” sambit ko habang nalingon sa paligid. “Huh? Sandali. Asan ka ba?” tanong niya pa. Alam kong sobra na siyang nagtataka kaya naman agad kong sinagot kung asan ako. Ilang saglit lang ay dumating na ang isang Van. Mabilis naman akong tumakbo papalapit doon bago ako pinabuksan ni Eliz ng pinto. "Iya, what are you doing here?" tanong niya. Imbes na sagutin ko siya ay agad akong pumasok sa loob ng Van. "Please I want to go home," sabi ko bago ako huminga ng malalim at pumikit sandali. Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko masyadong maalala ang lahat ng nangyari kagabi. Medyo magulo pa rin sa akin ang lahat. Ilang saglit lang nang makarating kamui sa condominium ko. Agad akong humiga sa kama habang dumiretso si Eliz sa loob ng kusina. Ilang saglit pa nang pumunta siya sa kwarto ko na may dalang tsaa. Dahil sa masama ang pakiramdam ko ay agad ko iyong ininom. Maya-maya lamang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at binuksan. Napataas ang kilay ko nang makita ang puro missed call. Karamihan iyon ay galing kay Walter. May text messages rin galing sa kaniya. Pero may isang text message doon na agad kong binuksan. “Girl, where are you? Si Tita X hinahanap ka niya dito,” sabi ni Sam kaya naman muli kong ibinalik ang screen sa inbox ko. Nakita ko nga na may mga missed call at text si Tita X. Agad akong napatingin kay Eliz na nakatingin lang sa akin na animo’y sinasabing lagot na naamn ako kay Tita X. Huminga ako ng malalim bago ibinaba ang c ellphone ko sa tabi at muling uminom ng tsaa. “Ano bang nangyari? Bakit ka napunta sa hotel na iyon?” tanong niya habang nagtatakang nakatingin sa akin at hinihintay ang isasagot ko. “I don’t know. Wala akong maalala,” sabi ko at muling pumikit bago inalala ang lahat ng nangyari kagabi. Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nakita ko sa bahay ni Walter kagabi. Muli kong kinuha ang cellphone bagay na sobrang ipinagtaka ni Eliz. Nag-backread ako at nakita ko doon ang pagso-sorry niya. Bigla kong naalala ang lahat. Nakita ko nga pala siya kagabi na may kasamang ibang babae kaya ako nag-walkout. Nabitawan ko ang cellphone ko nang maalala ko ang sumunod na mangyari. Pumunta ako ng bar at dumating si walter kasunod ang lalaking iyon! Napatayo ako bigla sa naalala ko. “Hey, Iyah! Are you okay?” tanong niya sa akin. Napahawak na laamng ako sa labi ko. “That idiot! Siya nga yung lalaking hinahanap ko!” sigaw ko bago ako lumabas ng condo pero agad naman akong pinigilan ni Eliz. “Iyah! Sandali! Saan ka ba pupunta? Hindi ba masama ang pakiramdam mo? Magpahinga ka muna! Ako ang mapapagalitan ni Tita X nito!” sabi niya pa. Kaya naman tinignan ko siya ng masama. “Where’s the key?” tanong ko sa kaniya. “Teka nga, asan ba yung kotse mo?” tanong niya pa kaya naman bigla kong naalala ang kotse ko. Iniwan ko iyon sa bar kagabi. Pero yung susi! Hindi ko alam kung nasaan ko nailagay! “Where’s the key, Elizabeth!” sigaw ko sa kaniya kaya naman dali-dali siyang pumunta bago ibinigay ang susi ng van. Pumunta ako sa loob ng van bago iyon ini-start at nag-drive papuntang bar. Ilang minuto lang nang makarating kami sa bar. “Anong ginagawa natin dito? Masyado pang maaga para dito,” sabi niya habang nagtatakang tumingin sa akin. Hindi ko siya pinansin ako bumaba na ako bago dumiretso sa kung saan ko ipinark ang kotse ko kagabi. At fortunalely, nandito siya! But where’s my key? Pumaosk ako sa loob at nakita ko namang naglilinis ang mga tuhan doon. Nagulat ako nang makita nila ako. “Good Morning, Madame,” sabi ng isang guard. “Madame, wala ho dito ang manager. Nakauwi na siya kanina pa,” dugtong niya pa. “Where’s the owner instead?” tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago siya pumasok sa loob. “Iyah, ano na namang binabalak mo? Malalagot tayo nito kay Tita X!” sabi ni Eliz habang hindi mapakali na nasa tabi ko. “Can you calm? Ang inga-ingay mo eh!” sigaw ko sa kaniya at tinarayan siya. Maya-maya pa ay lumabas ang isang babae. Nagulat naman siya ng makita ako pero hindi siya nagpaghalata at ngumiti lang. “Miss Victoria!” masayang bungad niya sa akin. “Hi, I just want to ask you. Can I have a copy of your CCTV footage?” tanong ko sa kaniya habang seryosong nakatingin sa kaniya. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. “Yes, but we need to know why you need the copy and for what?” nagtatakang tanong niya pa. Huminga ako ng malalim bago nag-flip hair. “My car was left last night outside. I was drunk a lot that’s why I can’t remember where’s my key is,” pagpapalusot ko pa. Gusto ko lang malaman kung ano nga ba ang itsura ng lalaking iyon dahil hindi pa masyadong malinaw ang mukha niya sa alaala ko. “Sure, Ma’am. Come this way,” nakangiting sabi niya bago kami pumasok sa loob ng office niya. May ginawa lang siya saglit bag niya ibinigay ang isang flashdrive. “Thank you,” nakangiting sambit ko sa kaniya bago iniabot ang isang sobre bagay na ikinagulat niya maski na rin si Eliz. “Miss Victoria, what is this?” nagtatakang tanong niya sa akin. “I want you to do something for me, can you do that?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya at hinihintay ang isasagot niya. Unti-unti niyang binuksan ang sobre at nanlaki siya ng makita ang laman non. “What is it?” nagatatakang tanong niya kaya naman napangiti ako sa kaniya. “I want you to erase all copies of the CCTV footage where all the cameras were whipping me,” sabi ko habang seryosong nakatingin sa kaniya. Nagkatinginan pa sila ni Eliz habang ako hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga mata niya. Muli niyang sinulyapan ang sobre na ahawak niya bago muling ngumiti sa akin. “You know why I want you to delete it. It can ruin my career,,” sabi ko pa sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago ngumiti. “Yes, Miss. I will delete it. Don’t worry,” sabi niya pa bago ipinakita sa akin ang footage habang dinelete niya isa-isa. “Are you sure that no one is left?” paninigurado ko sa kaniya. “Yeah, you can check,” sabi niya pa habang umalis sa harap ng computer at pinaupo si Eliz. Ilang saglit pa ay tumingin siya sa akin. “What?” nakataas ang kilay na tanong ko. “It’s clear,” sabi niya pa. Mabuti na lang at isinama ko siya kahit papaano ay may alam siya sa computer. “Thank you,” nakangiting sambit ko sa kaniya bago kami umalis ni Eliz. “Aakala ko ba hinahanap mo ang susi ng kotse mo? Bakit mo pinabura ang footage?” nagatatakang tanong niya. “It’s my business, and you will know it soon,” sabi ko bago ako sumakay sa van.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD