SEAN Ilang minuto na sinusubukan ni Francine na kumalas sa aking pagkakakapit sa kanya, pero ‘eto pa rin ako, mas lalo ko lang siyang kinukulong sa aking nakasarang palad. Bakas sa mukha niya ang labis na pangamba sa kadahilanang pinapahiwatigan ko siya na susunugin ko rin ang bahay nila. Ngunit, hindi naman din niya nasisiguro na iyon lang ang gagawin ko sa kanya pabalik, pagkatapos ng lahat ng sinapit ng kaibigan ko sa kanya. Hindi ko pa nga nalalaman ang lahat-lahat ng nangyari kasi wala pa naman ako rito nung mga oras na kailangan ako ni Amy. Lalo na ngayon, kailangan na kailangan niya na rin ako pero hindi ko magawang manghingi ng tulong sa isang ‘to. Wala naman na akong ibang nakikitang dumaraan sa kalsada rito kasi mukhang planado na nga lahat ni Alicia, kaya mas lalo akong nagtata

