SEAN Nakakaramdam ako ng awa para kay Francine kahit pa tutol iyon sa aking utak. Masyadong nangingibabaw ang kabutihan ng aking puso, pati na ang masasamang tao ay basta-basta na lang kinakaawaan. Dapat ko ba talagang patawarin itong babae na ito o dapat ko munang bantayan ang mga kilos niya? May posibilidad kasing niloloko lang niya ako sa mga binibitawan niyang salita at baka ganun din ang ginawa niya sa kaibigan ko, na inuto niya sa simpleng pananalita niya. “Sa tingin mo ba eh patatawarin kita? Binitawan lang kita dahil gusto kong makausap ka ng matino kahit papaano, pero hindi ibig sabihin nun eh napapatawad ko na ang kasamaang ginawa mo sa amin.” Pinagdikit ko ang mga kilay ko para iparamdam sa kanya na tunay ang galit ko at hindi lang ako basta-basta nakikipagbiruan sa kanya. “Si

