SEAN Ewan ko ba kung bakit ito ang mga lumalabas sa aking bibig sa mga oras na ito, hindi ko pa alam kung nakahanap na ba sina tita at tito ng makatutulong sa kanila. Baka mamaya ay naglulupasay na sila parehas sa kaiiyak dahil hindi nila magawang tulungan ang anak nila sa oras ng kanyang pangangailangan. Baka sumagi rin sa kani-kanilang isipan na nagawa nga ni Amy na magtrabaho para sa kapakanan nila, tapos sila naman eh hindi makabawi para sa ginawang iyon ni Amy. “Pero Francine…” pag-aagaw ko sa kanyang atensyon bago pa niya masagot ang mga tanong kong iyon. “Kung sakaling nasa panganib si Amy, sasagipin mo ba siya o hindi? mahinahong tanong ko sa kanya para hindi siya ma-trigger niyon at baka bigla na lang uli siya maging mataray sa akin. “Malamang,” diretsahang sagot niya sa akin, p

