AMY Isang panibagong umaga na naman pagkaraan ng isang linggo ang bumungad sa akin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kina mama at papa, ang patungkol sa aking trabaho na papasukan ko muli mamaya. Kahit pa hindi ko ipaalala sa kanila ang balak nilang pumunta sa aking eskuwelahan ay kusa na naman silang bumangon at nilapitan ako, hindi para gisingin ako at sabihing maghanda na ako para sa aking klase. Ginising lang nila ako para sabihing pupuntahan na nila ang guro ko at kailangan ko na rin ituro si Francine at sabihin ang lahat ng ginawa niya sa akin. Pero hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung dapat ko ba talagang gawin iyon. "Dalian mo na riyan Amy. Kahit anong pagpapatagal mo ay matutuloy pa rin ang plano ko para ngayong araw," mom said with such a determine

