Chapter 10

1050 Words

AMY Dapat ba talaga akong kabahan? Jusko naman, hindi ko maikalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko! Palapit na kami ng palapit at parang mawawalan na lang ako bigla ng hininga sa gitna ng paglalakad namin. Nakahihiya naman din para kay ma'am Sandra kung mag-iiskandalo si mama habang nagtuturo siya sa klase. Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko na nga napansing narito na pala kami mismo sa tapat ng pintuang nakalaan para lamang sa daanan ng mga guro. Mula rito sa labas ay rinig na rinig ko ang malakas na boses ni ma'am Sandra, hanggang ngayon ay wala pa rin itong pinagbabago sa estilo ng kanyang pagtuturo. Hindi ko inaasahang bigla na lang kakatok si mama sa pinto kaya nakaramdam ako ng panlalamig sa aking binti. Napansin ko rin ang katahimikang bumalot sa loob ng silid, siguro ay nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD