Chapter 11

1024 Words

AMY Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Kanina noong dumating kami rito sa loob ng paaralan ay napakatahimik at halos wala namang maririnig na ingay, ngayon lang na dumating kami nila mama at papa rito ay naging ganito na ang sitwasyon. Kahit wala pa akong sinasabi o inaamin ay lumalabas na lang din ng kusa ang katotohanan. Marahil ay masyado ko na itong matagal na inilihim sa kanila kaya siguro ay oras na rin para malaman nila ang buong katotohanan. "Hindi porket bata ka, hindi kita papatulan ah? Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang mga katulad mong walang respeto sa mga dapat ginagalang," walang humpay sa panenermon si mama kay Francine kahit pa alam naman niyang hindi siya pinakikinggan nito. "Sino ba 'yang matandang 'yan, Ma'am?" nakaiinsultong tanong ng isa pa niyang kasamahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD