AMY Sa puntong hawakan ng lalaking iyon ang kamay ko ay nagawa niya akong ikalas sa pagkakasabunot sa akin ni Francine. Masyadong malakas ang paghablot sa akin ng lalaki. Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin naiwasang masaktan dahil nga mahigpit din naman ang pagkakahila sa akin ni Francine sa buhok ko. "S-Sean?!" gulat na bigas ko sa ngalan ng nakababata kong kaibigan. Napakatagal na panahon ko na siyang hinahanap, bigla na lamang siyang umalis ng hindi man lang nagsasabi sa akin kung ano ang dahilan. Hinayaan ko na lang ang sarili kong mag-isip ng kung anu-anong rason na maaari niyang sabihin, hanggang sa dumating na lang 'yung araw na hindi ko napansing wala na pala akong pakialam kung umalis na talaga siya. Pero ngayong naririto na siya... nahahawakan, nakikita at naririnig ko na m

