AMY Nakasimangot akong naglalakad pababa mula sa third floor habang kasama ko pa rin sina mama, papa at pati na rin si Sean. Kahit pa nakasimangot ako ay hindi ko maiwasang magtaka kung bakit nasabi ni papa ang mga sinabi niya kanina patungkol sa pagturing ko kay Francine, pati na rin ang ukol sa samahan namin. Nang makarating na kami sa huling palapag at nakaabot na rin kami sa labas ng mismong school ay tinitigan ko si papa. Agad din naman itong nakaramdam kaya ibinalik niya ang tingin ko sa kanya. "Bakit, Amy? May marumi ba sa mukha ko o ano?" tanong niya sa akin, saktong pagkatanong niyang iyon ay napalingon tuloy sa amin sila mama at Sean. "Wala Dad... Parang may pagdududa lang kasi kayo kay Francine kung makapagsalita kayo ng mga ganoong bagay," ani ko upang hindi na magpaliguy-li

