AMY Pagkaharap ko kay Sean sa harap ng convenience store ay hinatak niya ako mula sa aking braso, palapit sa kanya hanggang sa magkadikit na ang aming katawan. Niyakap ako ni Sean sa pagkakataon na hindi ko inaasahan. "A-A-Ano ba ang ginagawa mo?" nauutal kong tanong tsaka ko siya itinulak palayo sa akin. Iniwas ko rin ang tingin ko sa kanya dahil alam kong namumula na ako ngayon, ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha na umaabot pa hanggang sa tenga ko. "Gusto ko lang pagaanin ang loob mo, Amy... Napakalungkot ng 'yong mga mata, hindi ako sanay na ganito ka umakto..." matamlay na sagot niya sa akin, ramdam ko naman ang pagka-sincere ng kanyang sinasabi pero parang sadyang tinatanggihan ng sistema ko ang lahat ng iyon. "Kung hindi mo talaga alam kung ano ang totoong Francine,

