AMY Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig, hindi ako makapaniwala sa lumabas sa kanyang bibig. Para bang napakadali para sa kanyang aminin na siya ang may kasalanan sa lahat ng nangyari kay Sean, na isang pagpapanggap lamang ang ginawa niya noong mga oras na tinutulungan niya akong maghanap sa kaibigan ko. “S-Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo ngayon, Alicia?” iritableng tanong ko sa kanya upang makasiguro ako kung nagbibiro lang ba siya o talagang totoong siya nga ang may pakana ng mga iyon. “Bawiin mo na ang mga sinabi mo hangga’t may oras pa, Alicia… Ayaw kong masira talaga ang tiwala ko sa ‘yo ng tuluyan, alam mong malaki ang pasasalamat ko sa iyo kaya alam kong hindi mo iyon kaya gawin kay Sean… Sa kaibigan ko at sa taong ginabayan mo noong kabataan niya,” wika ko at tila ba’y sa

