Chapter 41

1080 Words

AMY Kahit pa nakahihiya kina mama at papa na iwanan ko sila sa loob ng bahay para lang makausap ko ng pribado si Alicia ay ginawa ko pa rin. Naglalakbay lang kami ni Alicia kung saan man kami dalhin ng aming mga paa, wala naman kasi kaming mapaglulugaran, baka mamaya ay magalit pa ang mga magulang ko 'pag nalaman pa nilang sa bar na naman ako pumunta. "Bakit?" biglang nagtanong si Alicia na nakapagpagulat sa akin, kaya napalingon ako sa kanya. "Ano ba 'yan, Amy? Para kang ewan," natatawang sabi niya nang makita niya ang reaksyon ko. "Wala ka bang nakakalimutan?" mahinahong usisa ko sa kanya, ayaw ko siyang i-trigger at baka isipin pa niyang siya ang pinagbibintangan ko. Tumigil ako sa paglalakad ko at ginaya naman niya ako, huminto kami sa gitna ng kalsada pero dali-dali rin naman kamin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD