AMY Naunang matapos si papa sa kanyang pagkain, idiniretso na niya sa hugasin ang kanyang pinagkainan habang kami naman nina mama at Sean ay wala pa sa kalahati. Tila ba’y iniiwasan niya kaming lahat o sadyang wala lang siya sa mood na makipag-usap sa kahit na sino sa amin. Imposible naman kasing may galit siya kay mama tapos pati kay Sean na hindi naman na niya nakikita ng ilang taon. Mayroon lang talagang kinikimkim si papa na hindi niya magawang sabihin sa amin sa ngayon. “Ano ba nangyari habang wala ako, Mom?” pabulong na usisa ko kay mama. Nakatulala pa kasi si papa sa isang tabi at mukhang hindi rin naman siya nakikinig sa usapan namin, kahit pa siya na ang aming pinag-uusapan. “Kanina ko pa kasi napapansin na ang tahimik ni Papa, hindi naman siya ganyan eh,” paglalahad ko sa akin

