SEAN Ito na ba ang sinasabi nina mama at papa na mangyayari kapag ginising ko ang nurse namin? Kasi kung oo, sana sa ospital na lang kami dumiretso. Kanina pa ako ayaw tigilan sa kasisigaw eh, wala pa siyang tigil sa pagbato at paghampas sa akin ng mga unan niya. Kahit pa hindi naman ako nasasaktan dun eh nakakairita lang kasi sumasagabal sa mukha ko eh, hindi ako makahanap ng tyempo para makapagpaliwanag sa kanya. “A-Ano ba Akira?” naiinis na sambit ko habang nakaharang ang aking braso sa harapan ng mukha ko para hindi na tumama pa ang unan niya sa akin. “M-Makinig ka naman muna sa akin,” pakiusap ko sa kanya at nang marinig niya iyon ay tila ba’y bigla siyang sinapian ng isang anghel kasi tumigil na siya sa kanyang pagwawala at maski ang kanyang nakakunot na noo ay naglaho na rin. Nakah

