Aleina’s POV Hindi kami masyadong nakalalabas ni Jiro dahil sa tambak ang gagawin at dapat naming ipasa na project at activities. Pare-parehas kami nina Aeron, Malia at Jiro na hindi nakapagtapos ng pag-aaral noon dahil sa kanya-kanyang problema sa buhay. Ang problema ko noon ay dahil kulang ako sa pera at kailangan kong magtrabaho para may makain kami ni Rebecca. Pagkatapos ay nagkasakit si Aeron kaya hindi na nakapag-aral samantalang si Jiro naman ay napabayaan ang pag-aaral dahil sa droga kaya nagkaroon ito ng bagsak. Si Malia naman ay may problema sa pamilya noong mga panahon na iyon at na-depress sa mga naging problema kaya huminto sa pag-aaral. Kahit na nagkaroon siya ng problema noon ay tinulungan pa rin niya ako kaya nagpapasalamat ako sa kanya. Ang sabi nila ay pagmamahal ang taw

