Jiro’s POV Gustuhin ko man siyang ihatid ay ayaw pa niya dahil baka mabigla raw si Rebecca kapag nakitang may kasama siya at naiintindihan ko naman iyon kaya pagkatapos ng trabaho niya ay sabay na kaming kumain pero tumambay pa ng ilang minuto bago umuwi sa kanya-kanyang bahay. Ayaw ko naman na gabihin siya lalo na at ayaw pa niyang magpahatid sa akin. Habang naghihintay kami ng masasakyan niya ay nag-uusap kami. Sadyang magaan ang loob namin sa isa’t isa kaya iyong mga hindi namin basta-basta nasasabi sa iba ay nasasabi namin sa isa’t isa. Iyon nga lang, kahit gaano ka pa kakomportable sa isang tao ay may mga bagay ka pa rin na hindi kaagad masabi sa kanya. “Aleina,” pagtawag ko sa kanya. Ayaw ko man na magpa-apekto sa mga sinasabi ni Caloy ay naiisip ko lang kung ano ang magiging reak

