Jiro’s POV Dumaan ako sa flower shop ni Ate Michiko dahil balak kong bigyan ng bulaklak si Aleina kaya nga inaasar pa niya ako noong nandoon daw ako dahil nabibigyan ko raw ng bulaklak si Aleina samantalang siya raw siya pinipitas ko lang ang bulaklak sa hardin namin kapag bibigyan ko siya. Naalala ko lang na binibiro ko siya madalas na bibigyan ng bulaklak pero galing din naman iyon sa bahay namin kaya madalas ay nagagalit siya sa akin dahil baka mamatay lang daw ang mga bulaklak niya dahil sa ginagawa ko. “Huwag kang mag-alala, Ate Michiko, bibigyan din kita ng bulaklak sa susunod.” “Naku, huwag na! Magaganda na ang bulaklak ko sa bahay at huwag mo na iyong sisirain pa!” Nagpaalam naman na ako sa kanya na dadalawin ko si Aleina sa kanila, nakatira sila kasama si Sister Del Valle na k

