Jiro’s POV Nagtaka ako na maagang pumunta sa bahay ngayon si Kuya Euan dahil wala naman kaming usapan na pupunta siya ngayon lalo at may pasok siya. Madalas na nagpupunta siya rito para tingnan kung hindi na kami nag-aaway ni Ate Michiko. Simula noong hindi ko napansin na may kasamang hipon sa pagkain namin ni Miss Nunal—ang ibig kong sabihin ay si Aleina—ay nakabantay na naman sa bawat kilos ko ang mga kapatid ko lalo na sa kinakain ko dahil akala nila ay nagiging pasaway na naman ako. Hindi ko lang talaga nakita na may hipon na kasama at hindi ko rin naman iyon nalasahan kaagad dahil mas matimbang ang saya na kasama ko si Aleina noong gabi na iyon. Sinasanay ko na ang pagtawag ko sa pangalan ni Aleina dahil ang ibig sabihin lang noon ay hindi na kami stranger sa isa’t isa. Pinagalitan

