“Come to my office, Hannah,” seryoso naman nitong wika sa kanya kaya’t napasunod siya rito. Pagpasok sa loob ay agad siyang umupo sa receiving chair, si Ezekeil naman ay sa swivel chair nito. Sandali siya nitong tinitigan. “Did Lucas invite you out?” “Nagyaya ng lunch. Why?” “And what did you say?” “Ikaw na ang sumagot kanina, hindi ba?” “Lucas is a player, Hannah,, baka makuha ka sa matatamis na salita.” “Iyan lang ba ang dahilan para papuntahin ako dito?” sandali itong natigilan bago nagsalita. “Aalis tayo ng eleven thirty to meet Mr. Corpuz.” “Okay,” matipid niyang sagot. Hindi naman na ito nagsalita pa. “’Yon lang ba ang sasabihin mo?” “Maaga rin tayong uuwi mamaya, hindi natin naabutang gising si Ethan kagabi at kanina’y maaga kang umalis.” Alam niyang iniiwas siya

